KABANATA 40

670 16 0
                                    

KINABUKASAN ay tanghali na nagising si Erwan. Nang i-check niya ang relo niya ay nakita niyang 11 am na.

Ginulo niya ang buhok niya saka bumangon sa kama. Napatingin naman siya sa sarili niya sa salamin saka agad na ngumiti nang maalala ang mensahe kagabi ni Veronica,

"hayyy, ka ganda naman ng tulog ko!" masigasig na sigaw niya saka humarap sa bintana,

Sumalubong sa kaniya ang preskong hangin ng hacienda. Napapikit siya saka ninamnam ang hangin na iyon,

Matagal-tagal na din simula nung maamoy niya ang preskong hangin ng hacienda Sevida,

Bigla ay naisip niya ang kaniyang papá, noong namatay sina Luna at Stella lang ang huli niyang rinig mula rito, ang sabi ng kaniyang mga kapatid ay pupunta daw ito ngunit ni anino nito ay hindi niya nahagilap,

Sakto namang nakarinig siya nang magkakasunod na katok mula sa pinto, nilingon niya ang pintong iyon saka siya naglakad para buksan iyon,

Nang buksan niya iyon ay tumambad ang kaniyang kambal na malaki ang ngiti habang tinitingnan siya,

"what's with that smile?" tanong niya sa kambal na agad pinakita ang isang invitation,

"it's Zoe's gender reveal's party. Pupunta tayo sa may rooftop ng mansion mamaya 6:00 pm, sa pamamagitan ng fireworks ma re-reveal kung ano'ng gender ng magiging baby namin" nakangiting paliwanag ni Edward, ngumiti naman siya saka tinanggap ang invitation na yun,

"Alright, I'll be there, kailangan ko siguro lumabas to buy gifts" ani niya habang tinatanggap ang invitation,

"Nah, that's not important," ani ni Edward, ngumiti naman siya,

"you can invite Veronica if you want, she's Zoe and Caroline's friend after all" ani ni Edward, bahagya naman siyang nagulat dahil doon,

"I'll try" ani niya, ngumiti naman si Edward saka tinapik siya sa balikat,

"go and take a bath already, at 8:30 we'll be having our breakfast slash lunch, with papá" ani nito,

"papá's here?" gulat na tanong niya, tumango naman si Edward.

"kararating lang niya nung nakaraang araw" sabi ni Edward. Bigla ay nakaramdam siya ng kaba,

"Alright, I'll take a bath now" ani niya, tumango lang si Edward saka umalis.

Siya naman ay naiwan sa may hamba ng pinto habang nakatingin sa cute na cute na invitation card ng gender reveal,

Mapait siyang napangiti, kung sana lang ay nalaman niya ng maaga, edi sana ay nagkaroon sila ng ganito,

Pinilig niya ang ulo niya, ayaw niya munang isipin ang bagay na iyon, he needs to think of what to say in case his father will ask what happened between him and Alyana,

As far as he can remember, it was his father who suggested to propose on Alyana. Ibig sabihin lang nun ay talagang mataas ang naging expectation sa kaniya ng papá nila.

Sinunod niya ang sinabi ni Edward. Naligo siya at nagbihis, simpleng white t-shirt lang iyon na pinatongan niya ng coat saka pinaresan ng slacks at itim na sapatos,

He has to go to his company today, of course, to check and to work on his paper works.

Nang makarating siya sa kusina ay pinatong niya ang coat sa sandalan ng upoan saka umupo doon, dumating na din ang ilan niyang kapatid saka umupo na din doon,

"grabe, halos maligaw ako sa bagong mansion," bulalas ni Erlane, sumegunda naman si Efren.

"na miss ko ang mansion ah, malaki talaga pinagbago, lalo na yung ano...yung ano" pagtutukoy nito sa secret underground bar nila magkakapatid, napatawa naman siya saka napailing,

Ocean Love Skies (Hacienda Sevida Series 3)Where stories live. Discover now