XLIII- AYANA'S DEATH Part 1

102 5 0
                                    

The following words, sentences and phrases may contain depictions of violence that may be upsetting for some readers.

Viewers/ readers discretion is highly advised.
__________

April 22, 2001

Nagising si Aya na sobrang nanghihina, bugbog sarado't punong puno ng pasa.

Hindi niya gaanong maalala ang nangyari sa kanya. Basta't ang alam niya'y nakatali't mag-isa lamang siya.

Siya'y nasa isang abandonadong gusali, kung bakit siya naroon? Iyon ang hindi niya mawari.

Kasalukuyan niyang pinaggagalaw ang mga kamay, naiisip niya kasing nasa delikadong sitwasyon siya kaya't nagbabakasakaling makatakas upang iligtas ang sariling buhay.

Ngunit nawalan din ng pag-asang makawala dahil sa higpit ng panaling ginamit sa kaniya.

Napayuko na lamang siya at sumuko dahil siya rin naman ang manghihina pagdating sa dulo, napailing na lamang siya ng ulo.

Who the heck bring me here? Naitanong niya sa sarili habang pinipiga ang isip upang maalala ang nangyari.

Aya immediately raise her head when she heard foot steps coming possibly from the exit of the room she was in.

"Do you think gising na ang paki alamerang iyon?" Tanong ng isang tinig na sa kaniyang balahibo'y nagpatindig.

Paanong hindi magsisitayuan ang kaniyang balahibo ganong ang boses na iyo'y alam niya kung kanino.

"Oh! Speaking of which, gising na pala ang sawsawera." Naisabi ng isa sa magkakaibigan, si Phoebe na ngayo'y papalapit sa kaniyang kinaroroonan.

Napangisi naman si Chessy ng makita ang mukha ni Aya'ng punong puno ng pagtataka.

"A-anong ginagawa niyo rito?" Sa wakas ay nai-usal din ni Aya, kanina pa kasi siya tahimik simula ng dumating sila, naghahanap ng tiyempong may maisabing salita.

"Ano sa tingin mo Aya?" Pambungad ni Kiarah na sinuklian ng tanong ang kaniyang tanong.

"Anong ginagawa ko rito? Bakit kayo nandito? Why I'm I tied up? What did you do to me?!" Sunod-sunod na tanong ni Aya ng mawalan siya ng pasensiya.

Nanggagalaiti na siya sa galit para sa mga taong ito na walang ibang ginawa kungdi tapak tapakan ang kaniyang pagkatao.

Para kay Aya, wala siyang ginawang masama. Sinabi niya lamang ang totoo dahil iyon ang alam niyang tama.

Kailan pa ba naging mali ang paglalahad ng katotohanan? Iniisip niya na kaya sila ganito dahil hindi nila matanggap na nakagawa sila ng kasalanan.

Gustong gusto ni Aya na sila'y intindihin ngunit paano niya magagawa ang bagay na iyon kung ganong gumagawa pa lamang siya ng maliit na tulay upang silang lahat ay magkapatawaran gayong hindi pa nauumpisahan, ito'y ayaw na nilang tawirin?

Nauubos na ang pag-unawa ni Aya para sa kanila, mabait na tao si Aya pero kapag siya ay sinagad hindi magiging maganda ang resulta.

"YOU'RE DEAD" (COMPLETED) Where stories live. Discover now