XXXII-AYANA (Phoebe's death)

177 17 0
                                    

The following words, sentences and phrases may contain depictions of violence that may be upsetting for some readers.

Viewers/ readers discretion is highly advised.
__________


Nag-init bigla ang aking dugo ng makita ang kaniyang pagmumukha.

Akala mo kung sinong inosente! Napakademonyo pala ng ugali!

I smirked.

Tingnan natin kung saan aabot ang tapang mo Phoebe.

I can clearly remember what you did to me years ago.

Pinahirapan niyo ako, ngayon kayo naman ang magdudusa!

And I will make sure, you'll suffer trice from what I experienced.

Nakita ko siyang pababa na sa hagdan habang nakatingin sa kaniyang cellphone.

"Hira?" nagtaka siya ng bigla akong humarang sa kaniyang harapan "Gabi na ah? Ba't di ka pa umuwi?" natawa ako sa tanong niya.

Siya nga nandito pa eh!

Wala talaga siyang utak! Dapat mawala na sa mundo ang mga taong salot na tulad niya!

Inosente sa labas pero nag-uumapaw sa sama ang loob.

Mapanlinlang!

Sa halip na sagutin ang tanong niya, sinambit ko ang mga katagang magpapa-alala sa kaniya sa nakaraan.

"Alam mo, sipsip ka! Pabibo! Bakit ba hindi mo na lang tinikom yang bibig mo ha?!? Paki-alamera ka talaga!" Nagulat siya sa sinabi ko, iniisip niya siguro ngayong nasisiraan na ako ng bait bilang si Hira.

"The heck are you talking about Hira? Alam mo natatakot na ako sayo ah? Nung isang araw sinabi mong patay na ako! Anyare ba sayo?" I ignored all her rantings.

"Hindi ka lang kasi nakakopya kaya ka ganyan! Magsusumbong ka na nga lang, yung huli pa namin! Kaya ngayon, patay ka sa akin!" kumunot ang noo niya ng magsalita na naman ako.

"You're getting creepier Hira! M-maka alis na nga!" pero hindi niya na natuloy ang paglisan ng hinawakan ko siya sa braso at malakas na itinulak sa pader dahilan ng pag ungol niya sa sobrang sakit.

Kinuha ko sa aking bulsa ang maliit kong kutsilyo na lagi kong dala-dala dati para pananggala kung may magtatangkang gumago sa akin.

Kitang kita ko ang takot na bumalot sa kaniyang sistema ng ihaplos ko sa kaniyang pisngi ang kutsilyong hawak ko.

"H-hira, what's your trip ba? Bakit ka ganyan?" I smirked again.

"Parang awa mo na phoebe, pakawalan mo na ako. Please!"

"Ano bang pinagsasabi mo ha? Hindi kita maintindihan Hira!" Itinigil ko ang paggalaw ng patalim sa kaniyang pisngi at tiningnan siya ng mariin.

"Hindi Aya! You'll regret the day that you reported us!" Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

Sa puntong ito, alam kong naiintindihan niya na ako.

"A-alam mo?" nanginginig niyang tanong "P-paano mo nalaman Hira?"

Mas lalo siyang nanginig dahil ngayon, sa tiyan niya naman dumausdos ang patalim na aking hawak.

"YOU'RE DEAD" (COMPLETED) Where stories live. Discover now