XI-REIGHN

237 17 0
                                    

Matutulungan ako ni Ino!

Si Reighn... isa sa mga kaklase ko,

Nakita kong namatay na.

Hindi pwede 'to!

Mangyayari na naman ang kinatatakutan ko.

"Ino!" huminto siya sa paglalakad at lumingon sa akin "Bakit?" tanong niya.

"Tulungan mo ako..." habol ko ang hininga dahil sa ginawang pagtakbo "--kahit anong mangyari, huwag na huwag mong hahayaan na may kumausap sa akin o may kausapin ako."

Napangiwi siya "Ano? Teka lang... ang gulo mo."

"Basta! Kausapin mo lang ako, huwag mong--"

"Hira? Ibabalik ko nga pala sayo itong hiniram ko nung isang araw."

Shit!

Naramdaman kong kinulbit niya ako pero hindi ko siya pinansin.

"Ino! KAUSAPIN MO AKO!" Nagulat si Ino sa ginawa kong pagsigaw pero ginawa niya parin ang sinabi ko "Ah! Ahh.. Hira, busy tayo diba? Bawal tayong istorbohin?"

Pilit akong ngumiti "Oo nga! Hindi dapat tayo pa abala."

"Ay ganun? Sige ganyanan pala ha?" Nagtatampong saad ni Reighn bago lumakad paalis.

Pero nagulat ako sa sarili nang bigla ko siyang nilingon at tinawag ang kaniyang ngalan.

What the heck is happening with me?!?

"Hmm?" tugon niya, ngunit nagtatalo ang utak at bunganga ko.

Oh damn self! Stop it!

Please stop!

"D-diba... p-patay ka.. na--?"

BAKIT HINDI KO MAPIGILAN?!?

Nang laki ang mata niya sa aking sinabi "Huy! Toktoktok, huwag naman sana!" she said while making three knocks on the cemented pillar at napa sign of the cross pa siya.

"Pinagsasabi mo ba Hira? Of course, I'm not!"




"YOU'RE DEAD" (COMPLETED) Where stories live. Discover now