XXXVII- AYANA'S DEATH (Kiarah's Involvement)

140 16 2
                                    

The following words, sentences and phrases may contain depictions of violence that may be upsetting for some readers.

Viewers/ readers discretion is highly advised.
__________


Binungad ako ng isang napakasilaw na ilaw sa aking pag gising. Naulinagan ko sa aking tabi ang pigura ng isang lalake, lalakeng gustong gusto kong makita.

"Finally! Gumising ka na." Sambit niya ng makita ang pagmulat ng aking mata. "Pasensiya ka na ah? Kailangan ko na talagang umalis, hinintay ko lang na magising ka. Sige una na ako." Aalis na sana siya ng hawakan ko ang kaniyang kamay.

"Bakit?" He asked.

Na blanko ang aking isip.

Ang dami kong gustong sabihin sa kaniya pero natameme ako, ano bang dapat kong sabihin?

"May gusto ka bang ipabili? Baka naman nagugutom ka na? Pwede muna kitang bilihan bago ako umalis." he suggested, nothings with him aside from softness.

"A-ano.." naguguluhan ako sa kung ano bang dapat sabihin but after all I asked "Ka ano-ano mo ba si Chessy?" instead.

Hindi ko alam kung bakit iyon ang aking itinanong, bigla na lang kasing sumulpot sa aking isipan ng makita ko siya kanina sa CR.

"Ah! Oo tama, kaibigan ko si Chessy. Pasensiya ka na sa ginawa niya ah? Ako na talaga ang hihingi ng tawad sa ginawa niya sayo. Medyo masama lang ang loob niya nitong mga nakaraang araw, nakatanggap kasi iyon ng malaking galit mula sa Dad niya. Alam mo naman na Mayor ang papa niya at malaking kahihiyan para sa kaniya ang ginawa nila Chessy." Lumapit siya ng kaunti sa akin "Alam ko na ikaw ang nagsumbong sa kanila at hindi ako galit sayo. Actually tama ang ginawa mo, wala namang masama kung sasabihin mo ang katotohanan eh. Ilang beses ko na ring binalaan si Chessy about sa pinaplano nila pero ginawa niya parin." nginitian niya ako "-kaya kung dina down mo ang sarili mo dahil sinisisi ka nila ngayon, huwag mo ng isipin iyon. Kung ako man ang nasa posisyon mo, ganun din ang gagawin ko. Sa totoo lang, gagawin ko naman talaga yung ginawa mo eh. Naunahan mo lang ako hahaha." tahimik lang akong nakatingin sa kaniya habang siya'y nagsasalita. Magkaibigan pala sila ni Chessy? Ba't hindi ko 'yon alam?

"So, sorry talaga. Paano? May ipapabili ka ba? Kailangan ko na umalis eh." Marahan akong umiling. Napangiti siya ulit "Sige, mauna na ako. Sorry ulit." Tumango na lang ako bilang pagtugon bago siya umalis.

Ilang minuto rin ang lumipas bago ko inalis sa pinto na kaniyang nilabasan ang aking paningin.

Matagal ko ng gusto si Ino, kaso sa tuwing gusto kong sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko.

Nawawalan ako ng lakas-loob.

Hindi naman kasi ganoon kadaling umamin, hindi yun siling labuyo na kapag nilagay mo sa sawsawan ay aanghang agad.

Naalala ko na naman ang aking kabataan, yung araw na sinagip ko siya mula sa pagkalunod.

Napangiti ako.

~~~

Naglalakad ako sa park para hanapin si mama, nahiwalay ako sa kaniya nung hinabol ko ang mga kalapati kanina.

Saan ko ba siya hahanapin?

Liliko na sana ako sa isang daan ng may marinig akong humihingi ng tulong.

"YOU'RE DEAD" (COMPLETED) Where stories live. Discover now