XXVI-ME

159 17 0
                                    

Naka puwesto ako sa gitnang bahagi ng vacant room nitong bahay na nirentahan namin ni Ino.

Ano ang hinihintay namin?

Ako.

Kung ano ang gagawin ko gayong may nakita na naman akong namatay.

Base sa mga nangyayari sa akin, hindi matatapos ang isang araw hangga't hindi ko nasasabihan o naitatanong sa taong nakita kong namatay na ang katagang,

"Patay ka na diba?"

I'm certain na magpapakita si ma'am sa akin ngayong araw pero sumapit na lang ang gabi, wala parin ni anino niyang nagparamdam.

At si Ino? Sinabi ko na sa kaniya ang dapat niyang gawin.

Kung magpapakita si Ma'am Reese, huwag na huwag niyang papapasukin.

Nakakalito diba?

Hinihintay namin pero hindi palalapitin kapag dumating na.

Basta kapag natapos na ang gabing ito, sigurado akong I'll find answers to my questions.

I know, the situation is quite chaotic for this time. Pero malilinawan din ako sa lahat. I'll just need to wait.

Napatingin ako sa orasan, mag-a-alas onse na ng gabi.

Dinadalaw na ako ng antok.

Nadako ang aking tingin sa ibaba,

Sa sahig.

And then,

After that, hindi ko namalayan. Everything went black.

"YOU'RE DEAD" (COMPLETED) Where stories live. Discover now