XXXVIII- AYANA (Ruhen's Death)

122 14 3
                                    

The following words, sentences and phrases may contain depictions of violence that may be upsetting for some readers.

Viewers/ readers discretion is highly advised.
__________


Mahirap hagilaping mag-isa si Ruhen. Marami siyang kaibigan at minu-minuto silang magkasama, nahihirapan akong isakatuparan ang binabalak kong plano para sa kaniya.

May klase si Hira ngayon, but I meddled again. I feel like killing someone, my hands are itching to scatter some blood on the floor.

I know, there's a big risk doing it in public but I think this will thrill me. All I need is a perfect timing like what I always do.

Break is almost approaching, at hanggang ngayon hindi parin ako nakakahanap ng tiyempo para masolo si Ruhen. Ano bang dapat gawin para mapag-isa siya.

Okay na sana iyong pagkakataon kanina, mag-isa lang sa garden si Ruhen. Balak ko na sana siyang lapitan kaso biglang nagsisulputan ang kaniyang mga kaibigan.

I do thought it was the right time but on the wrong place. Tsk! It's not balance!

"Hira? Hindi ka ba guguhit?" Ino asked. Natameme ako, what? M-magkaklase sila ni Hira?!?

"Oy! Gulat ka noh? Akala mo hindi ako papasok? Nalate lang nga ako ng 20 minutes eh, may 30 minutes pa naman para tapusin ang pinapagawa ni Sir. Hihingi nga sana ako ng idea sayo kaso ikaw mismo 'di pa nag-uumpisa. Ayos ka lang? Ang lalim kasi ng iniisip mo. Parang nagpaplano ng krimen ah? " Mahaba niyang litanya na sinabayan pa ng biro at mahinang pagtawa sa huli.

Natawa rin ako. Tama ka Ino, gagawa nga ako ng krimen.

Nadali mo.

"H-hindi lang maayos ang pakiramdam ko. Pasensiya na." Hindi ko alam pero pagdating kay Ino, nanghihina ako. Nawawalan ako ng balanse sa tuwing kaharap ko siya, hindi ito tama para sa mga plano kong dapat pa isagawa.

Nag-excuse ako sa klase na bigla sumama ang pakiramdam ko. Lalabas na lang muna ako para makapag-isip ng maayos.

Babalik sana ako sa mini garden ng school dahil tahimik doon at walang didistorbo sa akin ngunit ng patungo na ako sa direksiyon papunta roon, nakita kong nagmamadaling lumiko si Ruhen papuntang cr ng boys.

I smirked.

Perfect pala ang paglabas ko.

Sinundan ko siya sa cr, pagpasok ko amoy ng pinaghalong pabango ng lalake at disinfectant ang sumalubong sa akin.

Hindi ako natatakot na may makakita sa akin o kung makita ako ni Ruhen. Who cares? Madali lang naman magsinungaling.

Pero sa puntong ito, tahimik. Kaya sigurado akong siya lamang ang kaisa isang tao na nandito ngayon maliban sa akin.

Sinigurado kong nakasara ang pinto ng boys cr, I need to be fast.

This should last real quick.

Inisa isa ko parin ang cubicle ng boys para masigurong siya lang ang tao dito. Ng masigurong kami lamang dalawa ang nasa loob, hinintay ko ang kaniyang paglabas.

"Ilang oras mo ba pinigilang hindi maihi?" Tanong ko ng lumabas siya ilang minuto na ang lumipas simula ng maghintay ako.

Siyempre nagulat siya dahil nakita ako sa loob ng boys cr.

"What the heck are you doing here Hira?" Naguguluhan niyang tanong, hindi ko pinansin ang tanong niya at sa halip ay tinakot lamang siya.

"YOU'RE DEAD" (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon