XLIV- AYANA'S DEATH Last Part

134 9 13
                                    

Maya-maya may bagong panauhin na dumating.

Hindi nila inaasahan ang pagdating ng isang lalaking hindi naman nila kilala. Nagpanic si Phoebe kaya agad niyang tinanong kung sino ito.

"My name is Terrence, Ino's friend." lumaki ang mata ni Aya sa sinabi nito.

Ino? Nandito ba si Ino? Matutulungan niya ako! Nasaan siya? Sunod-sunod na tanong ni Ayana sa isipan.

"Ang sabi ni Ino may itinext na address si Chessy sa kaniya. Pero hindi siya makakapunta kasi may emergency with his family kaya ako ang pinapunta niya, baka may importante ka raw'ng sasabihin sa kaniya Chessy? Sa akin mo na lang ihabilin." Mahabang saad nito, nagkatinginan naman ang mga babaeng nasa loob ng abandonadong espasyo maliban kay Aya bago sinagot ang huli.

"Ang totoo niyan, I want to invite him for ghost hunting. Kaso hindi pala siya makakapunta, ikaw? You want to join?" Chessy asked the guy named Terrence.

"Tulungan mo ak-!" Hingi sanang tulong ni Aya ng takpan agad ni Phoebe ang kaniyang bibig.

Tumawa ito "Pasensya kana Terrence, sinasapian kasi ang kaibigan namin kaya siya nakatali. Sinusubukan naming paalisin ang espiritung nakasapi sa kaniya." paliwanag nito. Panay naman ang iling ni Aya para ipaalam sa lalaki na hindi totoo ang sinasabi nito.

Marahang tumawa si Terrence "Hindi totoo ang mga sapi-sapi na yan. Nagpapanggap lang yang kaibigan niyo hahaha. Sige enjoy parin, hindi ako pwede kasi maglalaro pa ako ng basketball. Geh bye girls, enjoy!" Sabi nito at nagmamadaling umalis, mukhang may hinahabol.

Napatingin naman si Phoebe sa ngayo'y tahimik lamang na Reighn at Sasha. "Don't tell me pati kayo aalis din?" she inquired.

Humalukipkip si Reighn sa naging tanong nito "Ano bang gagawin sa kaniya?" She asked back.

"Kahit ano basta gusto niyong gawin sa kaniya. But I prepared something in order for us to have fun. Sounds great?" Excited na ani ni Phoebe at nilabas ang pamalong kaniyang inihanda kanina.

Sumang-ayon silang lahat at sinimulan na ang pangungutya.

Unang pantitrip pa lang nila, hindi na nakayanan ni Ayana.

Paano ba naman?

Sinabihan siya ng mga ito na sabihin sa kanila ang lahat ng sinabi niya sa principal ng school noong araw na nagsumbong siya at hindi ganoon kadali iyon dahil ang gusto nila ay iyong detalyadong sinabi niya.

Mayroon kasing record si Phoebe tungkol sa buong nangyari noong araw na iyon, kung saan niya kinuha? Malamang gumamit na naman ng source.

Nakasuot ng headset at pini-play ni Phoebe sa kaniyang phone ang record ng mismong sinabi niya noong araw na iyon sa harap ng principal, noong araw na nagsumbong siya na siyang nagpabago sa kaniyang buhay.

At sa tuwing mali ang kaniyang sasabihin ay ginugulpi siya ng mga ito, take note na isa-isa pa silang papalo.

"ARGHH!!!" Daing ni Aya ng lakasan ni Sasha ang pagpalo sa kaniya, sinabihan kasi ito ni Phoebe na ibuhos lahat ng galit niya kay Aya at hindi nila tatanggapin ang pamalong galing sa kaniya kung hindi nito lalakasan ang paghampas.

Alam ni Aya na mabait na tao itong Sasha kahit hindi niya naman ito gaanong close, tsaka na lamang ang pagtataka niya kung bakit ito sunod sunuran kay Phoebe at sa mga utos nito.

"YOU'RE DEAD" (COMPLETED) Where stories live. Discover now