ii

1.1K 26 33
                                    

Rosè POV



"Sasama ka o sasama ka?" yaya sakin ng kaibigan ko. Hay nako. "Eh wala ngang bantay kay Lisa, mamaya tumakas na naman to" sabi ko sakanya at natawa naman siya sakabilang linya.


"Hayaan mo siya makipag date okay? Isa pa, si Irene naman ang ka date niya. So wag ka na kumontra pa. Nasa safe hands na siya" sabi nito at nagulat naman ako. "P-pano m-mo nalaman yan?" tanong ko sakanya. "Hay nako, may mata ako. Pero tahimik lang ako" sabi niya sakin. "Tara naa! Pag di ka sumama diyan sasayangin mo lang lahat ng chance na binigay ni Lord today" sabi nito at wala na kong ibang ginawa kundi magbihis.


Hays. Si Hyeri talaga, walang ibang ginawa kundi mangulit sakin. Ganyan siya kapag wala siyang schedule ng shooting at hindi ako busy.


"Nandito na ko sa baba ng dorm niyo. Dalian mo"


Napahinga naman ako ng malalim dahil sa text niya. Hay nako. Talaga nga nandito na siya. Pagkatapos ko mag jacket ay nagpaalam na ko kay Lisa na busy sa phone niya. "Wag kang tatakas ha? Mamaya abutin ka na naman ng umaga" sabi ko sakanya at tumayo naman siya. Lumapit siya sakin at umakbay. "Ayaw mo ba talaga kay Yeri? Pwede naman yun eh. Bet ka pa naman nun." Bulong nito at hinampas ko nga siya. Hay nako!


Tatawa tawa siyang umalis at bumalik sa upuan. "Magingat ka dun okay?" Sabi nito at tumango naman ako. Pagkababa ko ay nakita ko agad yung kaibigan ko na parang tangang nakangiti sakin habang naghihintay sa labas ng sasakyan niya.


"Hay nako! Mabuti naman lumabas ka na!" Sabi nito na nagrereklamo pa. "Bat ba madaling madali ka?" Inis na tanong ko sakanya at tumawa lang siya. Maya maya ay nakrating na kami sa Resto at nag order na agad.


"Grabeee gutom na gutom lang?" natatawang asar niya sakin at kiber ko sakanya. Narinig ko na may kausap siya sa phone at di ko pa rin siya pinapansin. Pagkababa niya ay nakita ko yung ngiti niyang kakaiba. Kilala ko tong bestfriend kong to eh. Its either binenta na naman ako saiba, or may binabalak na naman na kalokohan.


"Ano na naman yan?!" tanong ko sakanya at di niya ko pinansin at nagpatuloy lang siya sa pagkain. Dati kasi, naalala ko sinabi niya ba naman kay Jisoo na crush ko si Jisoo kahit hindi naman. Kinuwento ko kasi sakanya yung nangyari nung overnight namin noon na nailang ako. Tas inasar niya na ko na di daw ako straight. Tinawag pa kong tiborsiya.


Ilang minuto pa yung lumipas at nagpatuloy lang ako sa pagkain. Ang sarap kasi ng hotpot nila dito. "Uyyyyy Baeeee!" rinig kong sigaw niya at excited na kumakaway pa. Grabeeee! ang heaven talaga ng hotpot nila. masayang sabi ko sa sarili ko. Narinig ko na may kausap siya sa likod ko at heto ako, wala pa rin pake. Sobrang sarap kasi talaga ih. Huhu!


Habang busy ako sa pagkain ay nagulat ako ng biglang umubo si Hyeri. "Ehem! Chaeng!" tawag nito sakin at napalingon naman ako sakanila. May nakita akong babae na balot na balot. Natawa ako sa isip ko. Nandito na siya sa loob nakatakip pa rin yung mukha niya. May tinataguan ba to? Haha! Pinilit ko pinakalma yung sarili ko at sumagot kay Hyeri.


"Yes?" at tumingin lang ako ng diretso dito sa babaeng nakatayo ngayon sa harapan ko. Natawa naman si Hyeri sa sinagot ko at kinurot niya ko sa pisngi. Sa inis ko ay tumayo sana ako para batukan siya. Pero natawa ako nung nakita ko yung reaction nung babaeng kasama niya ngayon sakin. Gulat? Bakit? Maganda ba talaga ko? Joke! natatawang sabi ko sa isip ko. Grabe ang lala na ng pagkausap ko sa sarili ko today.


"Hello Unnie. I'm Chaeng nga pala, pero Rosè talaga name ko. Pero ikaw na bahala kung ano gusto mo itawag sakin" pagpapakilala ko sakanya at nilahad ko yung kamay ko para makipag shakehands sakanya. Medyo matagal bago siya nakipag shakehands sakin. Grabe ayaw niya ba sakin? Si Rose kaya to ng Blackpink.



Idols (Suzy x Rosè)Where stories live. Discover now