xiii

601 21 9
                                    

Suzy POV


"Update mo ko pag nakauwi na kayo ha?" masayang sabi ng baby ko sa harapan ko. Sa di kalayuan ay naghihintay sakanya yung mga kaibigan niya at nakatingin samin.


"Okay, ikaw rin magingat ka at magupdate ka okay?" sabi ko sakanya habang inaayos ko yung buhok niya. Nakita ko naman na napangiti siya sa ginawa ko at kinuha niya yung kamay ko at hinalikan niya yun, dahilan para mapangiti ako ng malaki. "Sige na, pumunta ka na dun hinihintay ka na nila." sabi ko sakanya at hinalikan niya na ko sa noo.


"Diba sabi ko sa lips?" sabi ko sakanya and I peck on her lips. At sumakay na sa sasakyan ni Jieun. Maya maya ay nakita ko na kinakatok niya yung bintana ng sasakyan at binuksan ko yun.


"Pasaway ka talaga!" namumulang sabi niya at natawa naman ako. "Sige na, pumunta ka na dun. Magpakabait ka ha?" sabi ko sakanya at natawa naman siya. Nakita ko na patakbo siyang pumunta kila Lisa na ngayon ay inaasar siya. Natawa naman ako, minsan matured siya magisip pero kung kumilos siya para pa rin talaga siyang bata.


"At kailan ka pa naging PDA Suzy?" natatawang tanong sakin ni Jieun habang nag da-drive.


"At kailan mo pa gusto si Lisa ha Jieun?" diretsong tanong ko sakanya at nahalata ko naman na nagpanic siya. Gotcha!


"Kaya pala hindi ka nag bo-boyfriend. Yun pala may iba ka na-"


"Sssssh!!" sabi niya at natawa naman tuloy ako. Ang obvious niya kasi.


"Hay nako Jieun, sa iba na lang." sabi ko sakanya, ayoko siyang magka problema sa lovelife. Lalo na taken na si Lisa kay Irene. Isa pa, hindi biro attitude ni Irene pagdating kay Lisa. Talagang handa ata siyang makipag gera sa aagaw kay Lisa.


"Ayoko. Hayaan mo na ko. Hanggang tingin lang naman ako eh" malungkot na sabi niya at tinignan ko naman siya. Sa tagal na panahon na kasama ko si Jieun, ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Hay siguro nga talagang may something kay Lisa at pansin ko ay lahat sila may gusto sakanya.


Tahimik lang kami habang nasa byahe. Hindi na nasundan yung topic namin kanina. Hindi na rin ako nagsalita kasi feeling ko iiyak siya. May tiwala rin naman ako kay Jieun na hindi siya gagawa ng mga bagay na ikakagulo ng buhay niya.


"Jieun, anong tingin mo kay Joy?" tanong ko sakanya at napatingin naman siya sakin.


"Gusto niya si Rosè. Halata naman. At feeling ko alam ng lahat yun."


"Yun rin nga pansin ko. Gusto ko nga magalit kay Rosè kanina dahil sa ginawa niya, pero naisip ko bakit? Kasi parang napaka inosente niya. Wala siyang alam sa feelings ni Joy sakanya" sabi ko sakanya at nag agree naman siya sa sinabi ko. Napaka soft kasi ni Rosè, nakita ko kung pano siya mag care sa mga kaibigan niya.


"Na kwento rin ni Jisoo na dati ay palaging magkasama si Joy saka si Chaeng. Most of the time pa daw nga. Minsan nag oovernight si Rosè dun sa dorm ng redvelvet. Madalas kasama siya nila Lisa at Irene sa date nila. One time rin nakita ko sila na magkasama sila. Akala ko nga non lovers rin sila"



Napatingin naman tuloy ako sa view sa labas. Napatanong tuloy ako sa sarili ko. Kung hindi ba ko dumating sila ba dapat ngayon? Pero kung matagal na silang magkasama pala, bakit hindi naging sila? Mga bagay na naglalaro sa isipan ko ngayon.


"Tingin mo nagustuhan siya ni Rosè?" tanong ko kay Jieun na naptingin sakin ngayon.


"Magtiwala ka lang sa pagmamahal sayo ni Rosè kung ayaw mo kayo magkagulo okay?" sabi niya sakin at napatungo naman ako.


Idols (Suzy x Rosè)Where stories live. Discover now