ix

744 26 2
                                    

Suzy POV



"And cut!" rinig kong sabi samin. Hay sa wakas natapos rin. Maghapon rin ata akong nasa shooting ngayon. Ang bilis ng oras, halos hindi ko namalayan na gabi na pala.


"Nice scene Suzy!"


"Guys! sa Tuesday pa ulit yung shoot natin. Please enjoy your 3 days off" sabi samin ng Director, at masaya naman kami dahil kahit papano ay binigyan kami ng off. Halos sunod-sunod na araw na rin kasi kami nag shooting.


Habang naglalakad ako papunta sa Manager ko ay nakita ko si IU sa labas ng sasakyan ni Soo-hyun. Teka, anong ginagawa nila dito?  Lumapit ako sakanila at nakita ko naman yung ngiti ni Jieun na kakaiba.


"Na practice mo na ba yung spiel mo kay Chaeng?" tanong nito sakin at dali dali kong kinuha yung phone ko sa bulsa ko. Pagkatingin ko ay may nga messages na siya.


"Kumain ka na ba? Please eat okay? See you later baby"


Hays. Talagang ang kulit ni Rosè. Sinabi ko na magpahinga muna siya dahil ilang oras yung magiging byahe niya. Pinagtalunan namin to kanina bago mag start yung shoot ko. Sinabi ko na wag na, magpahinga na muna siya makakapag hintay naman ako. Pero sabi niya, gusto niya daw ako makita agad. Hays sino ba naman ang hihindi sakanya? Talagang kayang kaya niya kong pasayahin sa mga simpleng salita lang na sinasabi niya.


"Tandaan mo, siya ang una dapat aamin okay? Para di ka mapahiya. Rule#1 huwag na huwag kang aamin unless na sabihin niya na gusto ka na niya. I-confirm mo muna kung may gusto na siya okay? Then after non, pag sinabi niyang ikaw go umamin ka, pero pag sinabi niyang wala wag na wag kang aamin. Okay?" sabi ni Jieun sakin at tumatawa naman si Soo-hyun sa loob ng sasakyan niya.


"Opo!" natatawang sabi ko naman sakanya. True friend ko talagang gaga na to. Ayaw niya na masawi ako ulit eh. Pero hindi pa nga ba ko masasawi ulit kung sakaling sabihin ni Rosè na hindi niya ko gusto? Hays. Natatakot ako sa posibleng sabihin niya. Pero its now or never na... Mas maganda ng malaman ko na agad, para di na ko umasa pa kung sakali man na wala.


"Tulala ka diyan? Excited ka na?" tanong ni Soo-hyun sakin habang ginugulo yung buhok ko.


"Saan pala kami magkikita? Hays di ko nasabi na dumiretso na lang siya sa bahay" stress na sabi ko. Dahil kasi dun sa pagtatalo namin kanina, hindi ko na alam san kami magkikita.


"Okay na, dun na lang kayo magkita sa Villa ko. Sobrang secured don. Walang makakasunod satin" sabi naman ni Soo-hyun at dahil don ay niyakap ko siya.


"Hoy may bayad yan no!" sabi niya at nagtatakang tumingin naman ako sakanya. "Pero saka na, kapag maganda yung nagin outcome" sabi nito ng nakangiti. Hays ang swerte ko talaga sa mga friends ko.


"Pag di ka sinagot, wag ka magalala, may soju kaming binili isang box" natatawang sabi ni Jieun. As if naman binili niya yan. For sure bigay yan dun sa endorsement namin.


"Mukha mo! Hahahaha! Sa chum churum galing yan eh!" natatawang sabi ko at tumawa naman silang dalawa. Kala mo ah! Kaming dalawa pa naman endorser niyan, saka yung baby ni Lisa.


"Ay Suzy, dadaan pala muna tayo sa redvelvet dorm. Nakiusap kasi si Jisoo sakin na daanan natin si Irene Unnie, sasama daw kasi si Lisa sakanya." Sabi ni Jieun sakin at nag nod naman ako. Nakakatuwa naman, kasi akala ko straight sila eh. Pero nakakatuwa kasi, sa nakikita ko talagang mahal nila yung isa't isa. How I wish sana maging ganyan rin kami ni Roje....


Idols (Suzy x Rosè)Where stories live. Discover now