xv

495 15 0
                                    

Suzy POV


The nerve of that girl! Nakakabanas! Hindi niya ba alam na taken na si Rosè?! O sadyang nagbubulag bulagan na lang talaga siya?! Nakakabanas!!


"Hello? Oh kala ko ba kasama mo beb-"


"Hindi! Magkita tayo. Wala ka bang ginagawa?" pagtatanong ko kay Soohyun na ngayon ay biglang natawa sa kabilang linya.


"Wala naman. Kasama ko si Jieun ngayon. San ka ba? May car ka puntahan ka ba nam-"


Di ko na agad siya pinatapos sa sasabihin niya. Dahil sa di kalayuan ay nakita ko si Joy na lumabas at naglalakad papunta sa sasakyan niya. Lumabas ako agad at pinuntahan ko siya.


"Layuan mo yung gf ko please lang." diretsong sabi ko sakanya at tinaasan niya naman ako ng kilay.


"Bakit? Kaibigan niya ko. Bakit ko siya lalayuan?"


"May gusto ka ba kay Rosè?!" Diretsong tanong ko sakanya at hindi siya makasagot. "Kung may binabalak ka. Huwag mo ng ituloy dahil hinding hindi mo siya makukuha" inis na sabi ko at tumalikod na.


"May the best woman win, Unnie." rinig kong sabi niya at lalakad na sana ako papunta sakanya ng pumasok siya sa sasakyan niya.


FVCK YOU JOY!!!! inis na sabi ko sa sarili ko. Ang dami naman nagkakagusto kay Minho at DongWook pero hindi naman ako ganito ka stress. Inis na bumalik ako sa sasakyan ko at tinawagan ko ulit si Soohyun na binabaan ko.


"Nasan kayo?!" inis na tanong ko sakanila at narinig ko na tumatawa si Jieun sakabilang linya. Sinabi naman nila yung Address at nag drive na ko papunta dun. Nakita ko naman na tumatawag si Rose pero di ko muna sinagot. Magpapawala muna ko ng init ng ulo ko.


Pagkadating ko sa Coffee Shop ay agad akong umupo at tumabi sakanila. Nakita ko yung ngiti ni Jieun na pangasar.


"Si Joy ba?" natatawa netong tanong at napa angat naman agad yung ulo ko at napatingin sakanila ni Soohyun na tumatawa ngayon.


"Si Rose, tumawag sakin. Tinatanong kung kasama ba kita. Syempre sabi ko, otw ka pa lang." paglaliwanag niya at tinawag ko na yung waiter para umorder muna.


"Nakakainis kasi. Hindi ko naman siya mapagbawalan na layuan niya yun dahil kaibigan niya eh. Isa pa, nakakainis yung pagiging inosente niya. Nilalandi na siya lahat lahat hindi pa rin niya alam." Stress na sabi ko at nakita ko naman na nagtawanan yung mga kaibigan ko.


"Dati ikaw ang palaging pinoproblema ng mga boyfriend mo, ngayon ikaw na namomroblema sa girlfriend mo."


"Sa wakas, nakahanap ka rin ng katapat mo."



"Nakahanap ka ng katapat mo"


Sabay pa nilang sabi at nagtawanan pa. Hays nakakastress naman talaga kasi.


"Biruin mo Joy name niya, tas di ka natutuwa sakanya?" natatawang sabi ni Jieun at sinamaan ko naman siya ng tingin. Si Soohyun naman ay tawa tawa lang. Maya maya ay biglang nag ring yung phone ko at sinagot ko yun.


"Suzy?"


"Oppa! Napatawag ka?" maya maya ay nakita ko si Rosè na pumasok sa Coffee Shop na may dalang bulaklak. Napangiti naman yung mga kaibigan ko sa tabi ko at inirapan ko naman sila. Di mo ko madadala sa flowers mo tse!  sabi ko sa sarili ko.


"Naalala mo yung event na nasabi ko sayo nung nasa JYPE pa tayo? Gusto daw nila ipush. Gusto nila pumunta ka don. Sa Paris yun. Go ka ba?" tanong ni Oppa sakin at naramdaman ko naman na may nag angat ng upuan at nakita ko si Rosè na nakangiti sakin at hawak yung kamay ko at hinalikan niya yon.


Idols (Suzy x Rosè)Where stories live. Discover now