Roses and I

1K 23 25
                                    






"Akiiiii!!!"


"Mommyyyyyyyy!!"


"Hello baby! Bat pawis na pawis ka na? Kaliligo mo lang 2hrs ago ha?"


"Hoy Suzy ang oa mo, pinawisan lang eh malamang naglaro eh!" Natatawang sabi ni Jieun sakin.


Sino ba naman ang hindi magrereact ng ganyan? Padating na yung Daddy niya tas ganyan pa itsura niya. Yun pa naman mas oa pa sakin. Parang magkadumi lang ng konti anak niya papaligo niya na agad.


"Bihis na dun dali, pauwi na si Daddy." After kong sabihin yun ay bigla naman siyang nagtatalon at tuwang tuwa. Nasabi ko na ba? Masyado siyang spoiled.


"Hello Aki!"


"Auntie Niniiiiiii!!!!" Masayang sabi niya na naman at patakbong pumunta kay Jennie. Nakita ko na halos madapa dapa na siya kakatakbo. Napahawak na lang ako sa sentido ko sa stress ko kay Aki. Habang si Jieun ay tumatawa lang na nakatingin sakin.


"Hello Auntie! Pupunta rin ba si Auntie Rosè at Autine Joohyun?" Magiliw na tanong niya at napangiti naman sakanya si Jennie habang hinahalikan siya sa pisngi.


"Oo naman! Nag promise sila sayo diba? Ang cute cute mo baby! Kuhang kuha mo kay Daddy yung cheeks mo." Masayang sabi nito habang tinitignan niya si Aki.


"Yes yes yes!!! I'll play with them!!"


"Ang bilis lumaki ni Aki no?" masayang sabi sakin ni Hyeri habang pinapanood namin si jieun at nini na nakikipag laro sakanya. "Oo nga eh, parang kailan lang. Ngayon ang laki na niya." Nakangiting sabi ko habang inaalala ko yung mga araw na pinanganak ko si Aki.


"Ikaw kasi eh, pabebe ka pa. Oh edi sana walang Aki ngayon!" Natatawang sabi niya at inirapan ko naman siya.


"Oo nga no? Pero kamusta na kaya siya?" mapait na ngiting tanong ko sakanya at niyakap niya naman ako ng mahigpit.


"Okay lang yun. Pupunta nga dito diba? Para sa birthday ni Aki." Nakangiting sabi niya at sumunod na siya kila Jieun na nakipaglaro rin kay Aki.


"Yeah, the best ex pa rin nga siya." Nakangiting sabi ko sa sarili ko at umakyat na ko para kumuha ng pampalit ni Aki na damit.































Lets take a tour! 3years ago....



"Naka pack up ka na?"


"Yes. See you next month?" nakangiting sabi ko kay Jieun at natawa naman siya sakin.


"Ewan ko sayo ang gaga mo!" natatawang sabi nito at nagkatawanan naman kami. Lumapit samin si Soohyun at niyakap niya kami parehas.


Nasa set pa rin kami. Eto na yung huling shooting ko. Mabuti na lang at dinaanan ako nila Jieun dito.


"Aalis ka na ba? Wait lang kumain muna tayo nagpa deliver ako ng chicken!"


"Ha? Mahuhuli ako sa flight ko dun na ko kakain."


"Sige na! Eto matagal ka rin mawawala eh. Saglit lang naman yun paparating na rin yun." Di mapakali sabi niya at nakita ko na kinuha niya yung phone niya at umalis na siya. Nagtatakang napatingin naman ako kay Soohyun at ngumiti lang siya sakin.


"Alam mo? Gusto lang namin ni Jieun na sumaya ka. Yun lang, kasi deserve mo yun." Nakangiting sabi niya habang naka akbay sakin.


"Pano sasaya kung ayaw na nga sakin." Halos pabulong na sabi ko at nakita ko naman na tumawa siya ng malakas. Maya maya ay dumating yung Manager ko na tumatakbo.


Idols (Suzy x Rosè)Where stories live. Discover now