I can feel the pain, can you?

522 20 2
                                    


"Bat mo sinabing ikakasal na sila?"


Binaba naman ni Irene yung iinom niyang kape at diretsong tumingin kay Seulgi.


"Para maramdaman niya rin yung pain, at baka sakaling magising na siya." walang buhay na sagot nito sa kaibigan niya at umiling naman si Seulgi sa naging sagot niya.


"Naaawa na ko kay Unnie. Hindi niya deserve to." sagot naman ni Jennie


"Hindi nga, pero eto yung pinili niya. Isa pa, hindi naman sila magkakaganito kung parehas sila ni Rosé naging open sa problema nila. Tignan mo naman, 2years na ganun pa rin. Lalo lang lumala. Eto na yung huling beses na tutulungan ko siya. Nasasakanya na yun kung mag mo-move on siya o gagawa siya ng paraan para i win back si Rosé"


"Pero Unnie, alam mo naman na galit pa rin si Chaeng sakanya." sabat ni Yeri habang si Lisa at Jisoo ay tahimik na nakikinig sa usapan nila.


"Exactly. Isa pa rin yan si Chaeyoung. Nagawa niya nga pabantayan si Suzy sa mga guard niya, tapos hindi niya nagawang paimbestigahan sino yung mga nagpapadala ng pictures nila. And at the first place, hindi nga siya nag effort ipa-investigate si Lee Min Ho."


"Ang relasyon kasi, pinaguusapan. Kung may problema kayo, hindi kayo dapat naglilihim sa isat isa. Dapat magkasabay niyo yun nilulutas at wino-work out. Hindi kasi palaging sapat na mahal niyo lang ang isat isa. Ang nangyari kasi sakanila, mahal lang nila yung isat isa. Hindi sila nag effort na ayusin yung mga problema nila ng sabay. Mas pinili nilang ayusin yun ng kanya kanya."


Walang buhay na sabi ni Joohyun sa mga kaibigan niya. Sa totoo lang, 2years niya ng tinutulungan si Suzy. Pero sa nakikita niya ay mukhang wala na tong pagasa.


"Kung hindi pa rin sila gagawa ng paraan para magkabalikan. Talagang hindi nga sila ang para sa isat isa." walang buhay na komento ni Joohyun.


"2years na nakalipas, pero hindi pa rin nagiisip ng maayos si Chaeng, puro sarili niya pa rin ang iniisip niya. Siguro nga kailangan ng mawala ni Suzy sakanya ng tuluyan." sabi naman ni Jisoo sa sarili niya habang nakatingin sa mga kaibigan niya. 


-


"Alam mo, tama rin yung gf mo no." Bulong ni Seulgi kay Lisa. Magkausap kasi ngayon sila Jisoo at Joohyun. Naiwan sila nila Yeri sa table.


"Tignan mo to Unnie, shini-ship si Dong Wook at Rosé" natatawang sabi ni Yeri at tinignan naman iyon ni Lisa at Seulgi.


"Ano kayang iisipin ni Unnie Suzy ngayon? Yung dalawang ex niya shini-ship." Natatawang sabi ni Wendy sa tabi nila.


"Mas magugulat siguro siya lalo kapag nalaman niya na hindi naman talaga si Joy at Rosé!" naka smirk na sabi ni Jennie at nagtawanan naman silang mga nasa table.


"Si Lisa kasi may pakana non!"


"Hoy! Bat ako! Si Joohyun yun!"


"Hay nako. Malalagot tayo kay Chaeng pag nalaman niya tong mga pinaggagagawa natin." Naiiling na sabi ni Jennie.


"Para sakanya rin naman yun, alam naman natin na mahal niya pa rin si Suzy." biglang sabi ng nasa likod nila. Ngiting umupo naman to sa tabi ni Wendy at hinalikan niya to sa pisngi.


"Yuck, ang PDA niyo. Mamaya may magpicture na naman sainyo."


"So what? Ship naman nila kami. Di lang nga nila alam, for real na. Diba hon?" Nakangiting sabi ni Joy kay Wendy. Yes, sila na ni Wendy 6months ago.


Idols (Suzy x Rosè)Where stories live. Discover now