vi

817 29 20
                                    

Rosé POV



"Bumaba ka dito Cheng pagtapos mo magbihis ha? Kailangan natin magusap" rinig kong sabi ni Lisa sakin habang paakyat ako papunta sa kwarto ko. Aish! Panigurado kukulitin ako neto tungkol kay Suzy. Pagkadating ko sa kwarto ay humiga ako agad at saglit na nagpahinga. Heto na naman ako. Sa tuwing maiisip ko siya, ay hindi na nagiging normal yung tibok ng puso ko.


Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko para i check kung nagtext na si Mommy sakin. Nagulat na lang ako ng makita ko yung naka register sa phone ko na name.


Honey Bae


Tf! Honey Bae? Kailan pa naging Honey pangalan ni Suzy? Argh! Sinave ko na lang yun ay nagtext ako sakanya.


"Hi! Rosè here. Sana nakauwi ka ng maayos :) Btw, dorm na pala kami. Goodnight :)"


At bumaba na ko para puntahan sila Lisa sa sala. Pagka baba ko ay narinig ko sila na naguusap ni Jisoo. Pinaguusapan na naman nila yung redvelvet.


"Kinakamusta ka pala ni Joy" sabi ni Jisoo unnie pagkaupo ko sakanya. At napangiti naman ako. "Talaga Unnie?" masayang tanong ko at natawa si Lisa sa gilid ko. Lumapit siya sakin at umakbay.


"So sino ba talaga? Si Suzy o si Joy?" pangaasar niya sakin dahilan para batukan ko siya at tumawa lang siya ng malakas.


"Sakit. Huhu lagot ka kay Joohyun" naiiyak na sabi niya at natawa naman ako. "Leche kahit magsumbong ka pa" natatawang sabi ko at maya maya ay biglang nag ring yung phone ko. Sabay sabay kami napatingin dun at nakita ko naman yung tumatawag sakin.

"Honey Bae pala ah" sabi ni Jisoo at hindi ko siya pinansin. Kinuha ko na yung phone ko at umupo sa carpet.


"Hello?" nahihiyang sabi ko sakanya at nakita ko naman yung ngiti niyang nakakahawa.


"Hi" sabi niya sakin ng nakangiti. Bat ba kami nagkakahiyaan parehas. Saglit na nagkatitigan pa kami at ngumiti parehas.


"Hi Unnie!" ngiting bati ni Lisa. Nakita ko rin si Jisoo na binati siya. Nakangiti naman siya sa dalawa habang ako tinititigan sila ng masama.


"Grabe Unnie, napaka selosa naman ng baby mo" natatawang sabi ni Lisa.


"Aww, wag ka na magselos baby. Ikaw lang Love ko" nakangiti niyang sabi. Heto na naman si Ate mong breezy.


"Hoy! Anong baby ka diyan. Lumayas nga kayo dito" inis na sabi ko sakanila at tumawa naman sila. "Sige na Unnie, alis na muna kami ha? Selosa ng baby eh" natatawa niyang sabi ni Lisa at umalis na ng tuluyan.


"Going back Ms. Bae, ang lakas rin ng trip mo no?" natatawang sabi ko sakanya at nakita ko na naman yung ngiti niyang matamis.


"Do you have schedules tomorrow?" diretso niyang tanong sakin. Sa pagkakatanda ko, sila Lisa lang ang meron schedule bukas.. Hmm


"Wait, ask ko sila Lisa" sabi ko sakanya at tumayo na papunta sa kusina. Nakita ko na kumakain sila ng kimchi fried rice. natakam naman tuloy ako.


"Guys, alam niyo ba kung may sched ako bukas?" pagtatanong ko sakanila. "Wala, off mo ng 3days diba? Bat mo natanong?" tanong sakin ni Jisoo unnie. "Pinapatanong kasi ni Suzy kung meron" sabi ko at natawa naman si Lisa.


"Well, Bae is Bae. Nasa dugo na ata talaga nila yan" natatawa niyang sabi at di ko naman siya nagets sa sinabi niyang yun. Hindi ko na lang sila pinansin at bumalik na ko sa phone ko.


Idols (Suzy x Rosè)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon