iii

953 29 46
                                    

Suzy POV


"Ang ganda niya no?" rinig kong sabi ni Hyeri. Agad naman ako tuloy napa upo sa may carpet at ngumiti sakanya. Tumayo na rin ako at sumunod sa kusina. Nagtimpla ako ng kape habang si Hyeri naman ay busy sa paglagay ng foods sa plato niya. Nang matapos ako sa kape ay tumabi umupo na ko sa tabi niya.


"Thanks" ngiting sabi niya. Tumingin naman ako sa may sala, at tulog pa rin siya. Napangiti naman ako habang iniinom ko yung kape ko.


"Ikaw ha? Nakita ko kayo kagabi" asar niya sakin at namula naman tuloy ako.


Ang sarap kasi kausap ni Rosè. Sa totoo lang. Lahat ng lumalabas sa bibig niya, hindi ko mapigilan matawa. Sobrang saya niyang kasama. She's funny, pero grabe yung pagka deep niya. Grabe yung sense of humor. She's really something, na para bang may nagpupush sa sarili ko na gusto ko pa siya lalong makilala. And the thought of it makes my hearts melt.


Hindi ko alam na sa sobrang pagiisip ko sakanya, ay ngumingiti na pala ako magisa. Grabe, eto na ba yung Rosè effect? :) By the way, nung nakatulog siya kagabi ay pinanood ko yung mga previous performances niya. Siguro minsan ay pwede kami mag collab no? Ngayon pa lang, I really like the idea of being with her.


"Kagabi para kang namatayan. Ngayon ngumingiti ka diyan magisa. Ikaw ha? Gusto mo ba dito na lang yang kaibigan ko?" Natatawa niyang sabi sakin.


"She's really something e no? Grabe yung sense of humor. Akala ko isip bata eh. Pero natawa ako dahil ako pa ang sinesermunan niya kagabi" natatawang kwento ko kay Hyeri at nakita ko naman na tumingin siya kay Rosè na kasalukuyan na natutulog sa sofa.


"Yes, she's precious too. Kaya swerte ng magiging future baby niyan. She's really something talaga. Madalas yan ang nag a-advice sakin sa lovelife, kala mo naman nagkaron na siya. Pero ganyan lang talaga siya. Kaya you better make a move na" sabi nito at confuse na napatingin naman ako sa huli niyang sinabi. Tumawa lang siya sakin at bumalik na siya sa pagkain niya.


"Suzy, pinapatawag ka ni JYP ngayon" basa kong text sakin ng manager ko. Nagaalalang tumingin naman sakin si Hyeri. Kaya tumayo na ko dahil alam ko na magiging mahabang araw na naman to. "Mauuna pala ako umalis sainyo, kahit isara niyo na lang." nakangiting sabi ko sakanya at dumiretso na sa kwarto ko.


Minsan nakakapagod rin talaga maging Idol, lahat ng kilos at galaw mo bantay sarado nila. Parang wala kang rights. Nakakaumay kung tutuusin. Mga ilang minuto pa after ko mag asikaso ay paglabas ko sakto kagigising niya lang. Gulo gulo pa yung buhok niya at natawa naman ako sa itsura niya. Lumapit ako sakanya at tumabi sa upuan. Natawa ako dahil tinatakpan niya pa yung bibig niya. Para siyang baby tuloy.


"Hey tulo laway" natatawang sabi ko sakanya at nakita ko naman na lumaki yung mata niya at kinuha niya yung kumot para takpan yung mukha niya. Lalo tuloy akong natawa sa itsura niya. Ganyan siya, sabi ko sainyo kung makapag salita kala mo matandang ang dami ng experience pero kung maka act ngayon parang 3years old baby.


"Goodmorning Unnie" sabi niya sakin at hinatak ko naman yung kumot para makita yung mukha niya.


Nilapit ko yung mukha ko sakanya at tinitigan siya. "Diba sabi ko Suzy lang?" at diretsong nakatitig lang sakanya. Ang lapit ng mukha namin...


Bigla siyang tumingin sa malayo, pero dahil nasa mood ako asarin siya ngayon ay hinawakan ko yung mukha niya at hinarap sakin. Ilang inches na lang yung layo ng mukha namin, para na kaming mag kikiss sa position namin.

Idols (Suzy x Rosè)Where stories live. Discover now