vii

756 26 41
                                    

Suzy POV

Nagpatuloy yung paglabas labas namin ni Rosè ng magkasama. Yung 3days off niya, ang ginawa lang namin non ay pumunta kami sa family niya. Pinakilala niya ako sa Ate, Mommy at Daddy niya. Somehow, sobrang welcome naman nila. Nabanggit rin sakin ni Alice na iilan pa lang ang pinakilala ni Chaeng sakanila. Ibig sabihin daw nun, special daw talaga ako kay Chaeng kasi dinala niya rin ako sa bahay nila.


Tumambay lang din kami sa farm nila, actually sobrang relaxing. Hindi rin nila ako jinudge sa past ko. Sobrang bait ng family niya. Lalo na siya. Pansin ko lang din sakanya, madalas siyang mautal o mamula kapag nagkakatitigan kami. Which is, for me I find it cute. Atleast, alam ko na may effect naman pala ako sakanya. Noong una kasi, parang ang distant niya. O nahihiya lang siya that time kasi inaasar siya nila IU.


Months passed, ganun pa rin. Balik na ko sa pagiging sobrang busy ko. Pati na rin siya sobrang busy niya na. Alam niyo kung ano pinaka nakakatuwa sakanya? Tinotoo niya yung sinabi niya noong nasa park kami. Ibigay ko schedules ko, para alam niya san niya iinsert yung sarili niya. Most of the time, nag aadjust siya. Well, nag aadjust rin naman ako para sakanya. Kasi honestly, gusto ko talaga siyang makasama kahit saglit.


Pero madalas, siya pa rin ang nag aadjust. Medyo malungkot lang nga nung nag start na sila sa World Tour nila. Huling kita namin December pa. March na ngayon. Masaya naman ako, kasi secretly nagpapadala siya ng food and coffee truck sakin. Pero syempre, mas masaya pa rin siguro kung siya mismo yung nakikita ko.


"Miss mo na no?" Pangaasar sakin ni Jieun habang nandito kami sa coffee shop. "Miss? Sino?" Pag dedeny ko at natawa naman siya.


"Ano na nga ba? Kung ako maglalagay ng label sainyo bale..." sabi niya na tila ba nagbibilang pa


"9months na kayong dating... dapat" Sabi niya ng nakangiti at nasamid naman ako dahil dun.


"Sira! Anong dating! Friends lang kami!" inis na sabi ko sakanya at natawa naman siya.


"Weh? Tanungin ko nga puso mo kung friends lang kayo?!" Sabi nito sakin at bigla naman kaming natahimik pareho.


Ano na nga ba talaga? Sobrang bago kasi nito sakin. I mean, hindi ako attracted sa babae before... Pero ngayon, parang nagiba na mula ng makilala ko siya.


"Kausapin mo kaya ako no? Malay mo matulungan kita diyan sa problema mo" sabi nito sakin


"Hindi ko kasi alam. Nung hindi pa sila nag sstart ng world tour nila, palagi kaming magkasama. Palagi kaming magkausap. Hanggang ngayon naman na nasa tour sila, nagpapalitan pa rin kami ng messages."


"Like "kumain ka na ba? Wag ka papalipas ah?" natatawang sabi ni Jieun.


"Pwede bang patapusin mo muna ko leche ka?!" inis na sabi ko sakanya at tumawa naman siya ng malakas. Maya maya ay nakita na namin si Soo-hyun na pumasok sa coffee shop at tumabi sa gilid ko. Bale nasa gitna na nila akong dalawa ngayon.


Yes naman. Pinag gitnaan pa ko. Lalo ako ma hotseat neto.


"Bat parang ang seryoso niyo diyan?" sabi niya habang tinatanggal yung coat niya.


"Kasi tinutulungan ko lang yung kaibigan nating confuse" sabi ni Jieun at hinampas ko naman siya.


"Huy! Hindi ako confused no!" Inis na sabi ko sakanya.


"Eh ano mo kundi ka ka confused?!!"


"MAHAL KO KAY-"


Bigla naman tuloy akong napahawak sa bibig ko. Napansin ko na yung ibang tao sa coffee shop ay napatingin sa gawi namin. Umupo naman ako ulit at yumuko na lang. Bwiset na Jieun kasi to!!!


Idols (Suzy x Rosè)Where stories live. Discover now