MY KIND OF GIRL 4

148 10 0
                                    

Medyo busy pa si author kaya ito lang ang nakayanan.

-------------------------------------------------------------

BEA POV

Nasa sala ako ngayon at kasama ang taong ayaw ko makita. After what happened last night mukhang hindi mangyayari ang inaasahan ko na hindi na siya makita.

Damuhong naman kasi, bakit sa dami ng pwede gawin, yung halikan pa siya ang nagawa ko.

At ang nakakainis, nagbubunyi siya dahil hindi ko na siya magawang ipagtabuyan. Ang sarap niya hampasin habang komportableng nakaupo sa sofa at kumakain ng chocolate.

After namin mag-agahan nangalkal ba naman ng pwede niyang kainin. Nakahanap ng chocolate, kaya yun ang nilalantakan niya ngayon.

BEA: "Kelan mo balak lumayas sa unit ko?"

JIA: "Bakit ba atat na atat kang palayasin ako?"

BEA: "Kasi, panira ka ng araw ko."

Tumayo na ako at hinatak na siya patayo mula sa sofa. Naiirita akong makita siya na prenteng prente ang higa sa sofa habang ngumangata ng tsokolate.

JIA: "Ano ba?"

Reklamo niya at pilit hinahatak ang kamay niya.

BEA: "Umuwi ka na kasi."

Angil ko sa kanya.

JIA: "Fine. Uuwi ako, pero sa isang condition!"

Napairap ako sa hirit niya.

BEA: "What is it?"

JIA: "Halikan mo ako."

Bigla ko siya tinampal sa noo.

JIA: "Aray. Sabi ko halik hindi hampas."

Maktol niya sabay hawak sa noo niya.

BEA: "Get out."

JIA: "Ang sungit mo. Parang kiss lang."

BEA: "I said get out."

This time binigyan ko na ng diin ang sinabi ko. And I make sure that I make her understand that I am serious already.

JIA: "Oo na. Hindi mo kailangan magsungit. Ang hirap mo namang maging girlfriend. Pasalamat ka, patient ako."

Tiningnan ko lang siya ng masama at hindi na kumibo. Naglakad na siya palapit sa may pintuan. Bago pa man siya makarating dun, may narinig kaming kumatok.

JIA: "Expecting a visitor?"

Tanong niya ng lingunin ako.

BEA: "None of your business."

But I am not expecting any visitor for the day. Kaya nagtataka din ako kung sino man ang nasa labas.

Si Jia tumalikod na at binuksan na ang pinto. Hindi man lang hinintay ang sasabihin ko kung bubuksan ba or hindi.

And I was surprised ng makitang si Thirdy ang nasa labas. Nagulat din ito ng makita na si Jia ang nagbukas ng pinto. Nauna na rin siyang nagsalita. Bakit ba ang agap lagi ng babaeng ito. She is always one step ahead of me.

JIA: "Why are you here Ravena?"

THIRDY: "Ikaw, bakit andito ka?"

Balik tanong sa kanya nito.

JIA: "Well, we are living together. And how about you, anong business mo at nandito ka?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Kaya lang hindi ako makareact dahil andun si Thirdy.

RANDOM THOUGHTSWhere stories live. Discover now