DESTINED TO FOREVER 1

197 6 8
                                    

Habang nakahiga, bigla na lang sumagi sa isip ko ang story na ito. Out of the blue, bigla ako nakaisip ng bagong kwento at sinipag na simulan.

Bigla ako naexcite kasi may bagong idea para sa bagong story.

Hindi nga lang alam ni author saan papunta ang kwento na ito. 😂😂😂


-------------------------------------------------------------
JIA POV

MAMU: "Hoy Julia Melissa Caro Morado, hindi ka pa nag-aagahan. Bakit paalis ka na?"

Wika ni Mamu ng mapansin niya na nagmamadali akong papunta na ng pintuan. Well, nagmamadali talaga ako. Kaso, nag-uumapaw din ang boses niya para tawagin ako.

Ang aga aga ang lakas na naman ng boses niya.

JIA: "Hindi na po ako kakain Mamu. Doon na lang po."

Mabilis na tugon ko sa kanya pero nanatili akong nakatayo at hindi pa nagpatuloy sa paglakad. Baka kasi ay may sasabihin pa siya.

MAMU: "Ano ka ba namang bata ka, gusto mo talaga na magkakasakit ka."

Paalis na nga lang ako masesermunan pa niya. Pero maganda ang gising ko ngayon kahit medyo nalate ako ng gising kaya ayaw ko masira ang araw ko.

JIA: "Kakain naman po ako Mamu. Pero doon na po. Baka po kasi ako matraffic at malate na po ako sa pupuntahan ko."

Yung dalawang paa ko gustong gusto ng maglakad dahil kailangan ko na talaga magmadali. Kaso naman itong si Mamu, nagmamaganda masyado.

MAMU: "At mas importante ba yang pupuntahan mo kaysa sa sarili mo at mas inuuna mo pa yan?"

Mamu naman, maya mo na po ako sermunan pagbalik, huwag ngayon. Malelate na po talaga ako.

JIA: "Naman po Mamu. Mas mahal ko pa siya kaysa sa buhay ko."

Full of confidence na sagot ko sa kanya. Kahit ano at kahit na sino ipagpapalit ko, ganun ka halaga.

MAMU: "Mahal mo nga, hindi ka naman kilala. Nagpapakamatay ka pa para lang makita siya, as if naman papansin ka nun kapag nakita ka. Baka nga hindi ka pa makalapit dun."

Ayan na naman siya sa nakakadagdag na confidence na litanya niya.

JIA: "Nako Mamu, hindi po maganda yan. Huwag ka pong nega Mamu. Magiging future manugang mo po yun."

Naglakad na ako palapit sa kanya at inilagay muna sa sofa ang bag ko. Nakita ko kasi yung sintas. Kailangan ko ayusin.

PAPU: "Anong future manugang yan?"

Narinig pala ni Papu ang sinabi ko at ngayon ay pababa na siya ng hagdan. Itinali ko muna ang sintas.

MAMU: "Ewan ko diyan sa anak mo, nababaliw na naman ang aga aga. Hindi ko nga alam saan nagmana yan sa kabaliwan niya."

JIA: "Mamu naman, tiwala lang po Mamu. Ako to, Jia Morado po to."

Buong confident ko na naman na wika sa kanya. Lagi niya kasi ako dinidiscourage pagdating sa ganitong usapin.

MAMU: "Ayan, kita mo yan Ariel? Ewan ko kung saan niya nakuha ang ganyan ka kapal ang mukha."

PAPU: "Wala ka ng magagawa diyan. Ganyan na talaga siya, makapal ang mukha."

Dumagdag pa si Papu sa panlalait sa akin. Lagi silang ganyan. Wala na akong kakampi sa bahay na ito.

JIA: "Grabe po kayong dalawa sa akin. Parang hindi niyo po ako anak."

RANDOM THOUGHTSDove le storie prendono vita. Scoprilo ora