MY KIND OF GIRL 8

118 5 3
                                    

JIA POV

BEA: "Dapat pala hindi tayo dito kumain."

Angil na naman niya. Hindi ba siya napapagod kakareklamo? Mula pa kaninang umaga puro na siya angil sa akin.

Nandito kami ngayon sa isang resto. Nag emergency stop over kami, gusto na niya kumain. Well, ako din dahil gutom na talaga ako.

Tapos traffic pa, kaya naghanap muna kami ng makakainan. Ito ang unang nadaanan namin kaya hindi na kami nag-atubili na dito na lang kumain.

Kaya lang pagpasok sa loob, medyo puno ang kainan. Hindi din siya malaking lugar tapos wala silang private room.

Pagpasok namin sa loob, nagulat ang mga kumakain pati na rin ang mga staff nila. Pero saglit lang naman. Pero yung tingin nila hindi maialis sa akin at sa kasama ko.

Kahit hanggang ngayon na nakaupo na kami at naghihintay na ng order namin pinagtitinginan pa din kami.

JIA: "Bakit ba ang init ng ulo mo? Ang alam ko, ako yung hindi pa nag-agahan at nagtanghalian dito."

BEA: "Paano ka naman makakakain niyan, kanina pa tayo pinagtitinginan."

JIA: "Sorry ka na lang may kasama kang artistang maganda."

BEA: "Saan banda yung maganda?"

JIA: "Nasa harap mo."

BEA: "Oh yeah. Maganda naman talaga yung bulaklak."

Napatawa ako sa kanya. She would really say anything she wants except ang purihin ako.

JIA: "Mahirap ba talaga sayong tanggapin na maganda ako?"

BEA: "Mahirap tanggapin na nag-eexist ang isang gaya mo."

JIA: "Blessed ka nga kasi ako ang kasama mo."

BEA: "Hello?! Paano?"

JIA: "Ano ba ang dapat kong gawin para lang magustuhan mo ako?"

I was looking at her intently.

BEA: "Waste of time."

JIA: "Look. Gusto kita kahit na ayaw mo sa akin."

Diretsahan kong pahayag sa kanya. Well, I honestly like her. Hindi ako mag-aaksiya ng oras kasama siya kung hindi ko siya gusto.

BEA: "Look. Hindi kita gusto. Kaya pwede tigilan mo na sana ako."

JIA: "Well, nakakabit na ang pangalan mo sa pangalan ko. Kaya wala ka ng magagawa. Mapag-uusapan tayo ng mga tao whether you like it or not."

BEA: "Kasalanan mo tong lahat eh. Bakit ka kasi nagpost?!"

JIA: "Huwag ka mag-alala, mga isang linggo tayong magtretrending. Hahahaha."

BEA: "Malamang. Kita mo yang mga yan, kanina pa nakatingin sa atin. For sure nagpost na naman ng tsisimis ang mga yan."

JIA: "Ayaw mo nun? Atleast ngayon malalaman na nila na bati na tayo. Hahahaha."

Bago pa siya makasagot, isa isa ng dumating ang mga order namin. Lalo ako ginutom ng maamoy ito. Kaya ng makaalis ang mga waiter, nilantakan ko na agad ang pagkain.

Hindi na rin ako nagsalita, subo na talaga ako. Sobrang na kasi talaga ako.

JIA: "Magdahan dahan ka nga sa pagkain para kang patay gutom."

Sita niya sa akin ng sunod sunod ang pagsubo kom

BEA: "Hindi ako patay gutom, pero mamatay ako sa gutom kapag hindi ako kumain."

RANDOM THOUGHTSWhere stories live. Discover now