JIA POV
BEA: "Saan ba kasi talaga tayo pupunta?"
Angil niya sa limang pagkakataon. Simula ng sunduin ko siya sa unit nita, hindi na siya natigil kakatanong.
JIA: "Relax ka lang. Surprise nga di ba."
BEA: "Wala akong tiwala sa mga surprise mo."
JIA: "Grabe ka naman."
BEA: "Kapag kasama kita lagi na lang may ganap na hindi maganda."
JIA: "Ako, hindi ba ako maganda?"
BEA: "Saan banda?"
JIA: "Hahahaha. Umamin ka na kasi na nagagandahan ka din sakin."
BEA: "Umay."
JIA: "Hahahaha. Nakakaumay na ba ang mukha ko?"
BEA: "Nakakairita na nga eh."
JIA: "Magbabago din ang isip mo mamaya."
Tiningnan niya ako, ng madiin. May masama na namang hinala ito sa akin. Tuwing ganyan siya tumingin, mapanghusga siya.
BEA: "Ano na naman ba yang binabalak mo? Kapag ito nagtrending na naman sa twitter ah, sinasabi ko sayo."
JIA: "Hahahaha. Ayaw mo ba na sumisikat ka dahil sa akin?"
BEA: "Hindi ako mahilig sa attention. Hindi ako kagay mo attention-seeker."
JIA: "Kung pinapansin mo ba naman ako, ehdi sana hindi na ako nagpapapansin sayo. Effort ko nga eh, kita mo binagyan pa kita ng bouquet of flowers."
BEA: "Hindi ako mahilig sa bouquet."
JIA: "Eh sa flowers?"
BEA: "Hindi rin."
JIA: "So, hindi mo pala nagugustuhan ang mga bulaklak na pinapadala ko araw araw sa unit mo."
BEA: "Hindi."
Tiningnan ko siya pero iniwasan niya ang tingin ko.
JIA: "Anong ginawa mo dun sa mga pinapadala kong bulaklak?
BEA: "Sabi ko sa nagdedeliver ibigay niya sa makikita niyang simbahan. Mapakinabang pang dekorasyon."
JIA: "Seryoso?!"
BEA: "Oo."
Hindi ako makapaniwala sa kanya. Yung mga binigay ko, ipinamigay din niya.
JIA: "Sige, hindi na lang bulaklak ang ipapadala ko."
BEA: "Pwede ba tigilan mo na kasi yang pagpapadeliver sa unit ko. Kung sino sinong mukha nakikita ko araw araw, hindi ako natutuwa."
JIA: "Oh sige, ako na magdadala araw araw para atleast gumanda ang umaga mo."
BEA: "Ewan ko sayo. Ang hirap mo kausap."
JIA: "Kelan mo ako ipakikilala sa parents mo?"
BEA: "Never."
JIA: "Hahahaha. Ang sungit mo sa akin."
BEA: "Kasi ayoko sayo."
JIA: "Okay lang yun. Alam ko naman na darating ang araw na mafafall ka din sa akin."
BEA: "You just really don't know how to give up!"
JIA: "Hindi kita susukuan, mahal kita eh."
BEA: "Lahat ng may ganyang drama, sa huli sumuko din."
JIA: "But not me."
Nginitian ko siya pero i irapan na naman ako. Just love her with that kind of reaction.
BINABASA MO ANG
RANDOM THOUGHTS
FanfictionStories come forth as fruits of sudden ideas and thoughts.