MY KIND OF GIRL 15

103 4 9
                                    

BEA POV

The whole day, I felt like I was crazy just thinking about what transpired last night. Still now, hindi parin ako mapalagay kakaisip kung ano ba ang mga naganap.

Nakakainis lang kasi na yung kaisa-isang tao na may alam sa lahat ay hindi ko naman pwedeng matanong at pagkatiwalaan. Aasarin lang ako kapag nagtanong ako sa kanya.

Everytime I would remember myself being half naked on the sofa with someone lying on top of me brings chills to my whole body. It pisses me off that of all people yung kinaiinisan ko pa.

I couldn't believe how I let myself end up that way. But what troubled me is how my body reacts whenever she touches my skin. I wasn't aware of that before.

Dxxx that woman, she is insane and she is really getting into my nerves. Naiisip ko pa lang siya, umiinit na ulo ko sa kanya. Lalo na kapag nakita ko siya.

But how will I be able to get rid of her and the situation? Because of what happen lalo lang niya ako guguluhin.

Hindi ako umuwi from the states para lang sa ganitong mangyayari. Kung alam ko lang na ganito, hindi na sana ako nagpapapilit pa sa mga magulang ko na umuwi ng Pilipinas.

Bakit ba kasi nagcross pa ang landas namin ng babaeng yun? Ang dami naman diyan, bakit siya pa? Hindi ko talaga maprocess sa utak ko kung paano umabot sa ganito ang lahat. That woman, I just hate her.

And speaking of the devil, ito na nga nagparamdam na siya. Bigla siyang nagtext, ang lakas makaramdam. Saan ba siya pinaglihi ng mga magulang niya? She is just different.

FROM JIA: "Hi love. Miss you."

Hayssstttt. Garapal talaga siya, as in. Hindi man lang ba siya kinikilabutan sa mga sinasabi niya?

TO JIA: "Go to hell."

Mabilis na reply ko sa text niya. Gulo na nga ng utak ko mang-aabala pa siya.

FROM JIA: "Hindi ako tatanggapin dun. Bawal daw maganda."

Napapailing na lamang ako habang nagbabasa.

TO JIA: "Eh di wow."

FROM JIA:: "Sunduin kita bukas ng umaga."

TO JIA: "At bakit"

FROM JIA: "For a date."

Ibang level lang talaga ang lakas ng loob niya. Habang tumatagal ay mas lumelevel up pa.

TO JIA: "As if naman makikipagdate ako sayo."

Gigil na type at send ko sa kanya. Anong akala niya sa akin? Hindi ako kagaya ng mga nilalandi niya at basta na lang magpapauto sa kanya.

FROM JIA: "Hindi ko naman hinihingi ang opinyon mo, ipinapaalam ko lang sayo."

Ohhhhh men. She is just so, grrhhhhh unbelievable.

TO JIA: "Magdate ka mag-isa mo."

FROM JIA: "I see. Mas gusto mo ba na diyan na lang tayong dalawa sa unit mo na magkasama ng magdamag bukas?"

TO JIA: "Mula sa araw na ito, bawal ka na pumasok sa unit ko."

FROM JIA: "Ako kaya ang may-ari ng building na tinutuluyan mo mukhang nakalimutan mo na ata."

TO JIA: "Nabili ko ang unit kaya may karapatan ako kung sino lang ang pwede ko papasukin. At isa kang napakalaking ekis sa unit ko."

FROM JIA: "Paplay hard to get ka pa. Bibigay ka din naman sa huli."

Nag-init na naman ang ulo ko sa message niya. Lahat mg dugo ko nag-akyatan na naman.

TO JIA: "Iba din talaga yang angking kakapalan ng mukha mo. Gawa sa semento yan, ang kapal eh."

RANDOM THOUGHTSWhere stories live. Discover now