MY KIND OF GIRL 16

116 6 9
                                    

Dahil inabot na naman ng kasipagan na gumawa si author, ito na po ang next update ng story.

-------------------------------------------------------------

JIA POV

Today is the day. Nagising ako in a good mood. Napapakanta pa nga ako habang masaya na naliligo. Ang tagal nga akong naligo para sa araw na ito.

After taking a bath, may pasipol sipol pa ako habang nagbibihis at nag-aayos ng mga gamit ko. I am just really too excited for today. Because, it is a special day.

Pinaghandaan ko talaga ang araw na ito just to make sure na hindi ako pumalpak at magiging maganda at maayos ang lahat. It is a special day, kaya naman extra special din ang paghahanda.

Nakailang beses pa akong napatingin sa salamin just to be sure that I look good. When satisfied with my look, kinuha ko na ang wallet at susi ng kotse tsaka masaya at magiliw na lumabas ng room.

Sa loob ng sasakyan, nagpatugtog pa ako at nakisabay pa sa mga awitin. Ganun kaganda ang pakiramdam ko for today and I know it will just get better as time passes by.

Medyo natagalan din ako sa traffic kaya maaga ako umalis kanina para naman hindi ako malate sakali mang magkatraffic nga. Alam niyo naman ang traffic sa Pilipinas parang may forever.

Good thing kahit na medyo matraffic, I arrived earlier than expected sa destination ko. Kaya may time pa ako na ayusan a g sarili bago tuluyang bumaba ng kotse.

Habang naglalakad papasok sa loob ng building may mga napapatingin sa akin pero dedma ko na sila. I am used to it already.

JIA: "Good afternoon."

Masayang bati ko agad sa kanya ng pagbuksan niya ako ng pinto. May kasama yun ng isang malapad na ngiti para naman gumanda ang mood niya.

JIA: "For you."

Sabay lahad sa kanya ng dala kong flowers. Dinaanan ko pa yan kanina bago pumunta dito sa unit niya.

BEA: "Hindi ka na sana nagdala nito. Hindi ako mahilig sa flowers."

Wala sa loob na sagot niya.

JIA: "Noted."

Maigsing sagot ko. Para kasing wala siya sa mood. Feel ko lang naman.

BEA: "Kunin ko lang ang gamit ko sa loob."

Maigsing wika niya at bumalik na sa loob dala ang binigay kong flowers.  Hindi na niya ako pinatuloy pa sa unit niya kaya nakatayo na lang ako na naghintay sa kanya sa labas.

BEA: "Let's go."

Wika niya ng makalabas na siya ng unit at isinara na ang pinto. Pareho lang kaming dalawa na tahimik habang naglalakad at hanggang sa makapasok na kami sa elevator.

JIA: "Thank you at pumayag ka for this date."

Kalmadong wika ko sa kanya. I don't know, I just felt like there is tension all over the place or well kanina ko pa actually naramdaman nung dumating ako.

BEA: "Do I have a choice?"

Sarcastic na sagot niya agad sa akin kaya napalunok na lang ako. Wewww, masungit, buti na lang maganda siya. Tinitingnan ko siya pero nasa iba ang atensiyon niya. Parang ayaw nga niya akong tingnan.

Sobrang nag-effort pa akong maligo kanina, todo kuskos pa ako at sabon, efort din ako magpili ng susuotin at ang tagal ko pa sa harap ng salamin, tapos ayaw niya akong tapunan ng kahit tingin lang. Buhay nga naman.

JIA: "I'll make sure na mag- eenjoy ka later sa date natin and you will not regret it."

I am trying to break whatever barrier that she builds between us. Para kasing may malaking bakod siyang itinayo sa pagitan naming dalawa.

RANDOM THOUGHTSWhere stories live. Discover now