MY KIND OF GIRL 10

119 6 3
                                    

BEA POV

I was busy working on some papers ng may kumakatok sa door. Kaya iniwan ko muna ang ginagawa para alamin kung sino ang nasa labas.

Pagbukas, agad ko ring isinara. Kaya lang maagap siya. Bago ko pa maisara ng tuluyan ay iniharang na niya ang katawan sa pinto.

Ibang klase talaga ang babaeng ito, hindi ko na alam kung paano ko ba siya pakikitunguhan sa lahat ng mga pinagagawa niya.

JIA: "Dinalhan kita ng pizza."

Nakangiting wika niya at hindi ramdam na pinagtatabuyan ko siya.

BEA: "Oh ngayon?"

Sarcastic ko na namang sagot sa kanya.

JIA: "Sabay tayo mag snacks."

Dedma lang siya. Kahit anong barado ang gawin ko, hindi talaga siya tinatablan.

BEA: "Wala ka bang ibang pwedeng gawin sa buhay mo, maliban sa abalahin ako?"

Nakapamewang na ako na nakaharap sa kanya.

JIA: "Ikaw ang buhay ko."

BEA: "Ano na naman ba ang kailangan mo?"

Kunyari na lang na hindi ko narinig ang banat niya. Sanay na ako sa ganyang mga hirit niya. Wala namang bago.

JIA: "Kailangan kitang makita para mabuo ang araw ko."

BEA: "Seryoso kasi. Kelan mo ba matutunan na seryosohin ang mga bagay bagay."

JIA: "Seryoso ako sayo."

Nakatingin siya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako.

BEA: "Look, as you can see may mga ginagawa ako."

Sabay turo sa kanya ng mga papeles ko sa mesa.

BEA: "Mahalaga ito. Kaya kung wala ka namang mahalagang pakay ngayon maliban sa manggulo, baka naman pwede kahit ngayong araw lang huwag mo akong abalahin at tantanan mo ako?"

Gigil na hirit ko sa kanya. Kulang na lang ay ang isumpa ko ma siya para lang tantanan niya ako at lumabas na siya ng unit ko.

She was actually about to sit on the couch bago pa ako magsalita pero hindi na niya naituloy. Tumayo na lang siya ng diretso.

JIA: "Hindi mo naman kailangan magsungit. Pakikinggan naman kita kung nakikiusap ka."

Malumanay at kalmado niyang paliwanag.

JIA: "Sige na, iwanan na muna kita. Tsaka pati yang mga pagkain, sayo na yan, para naman may kakainin ka habang busy ka sa mga importanteng ginagawa mo. Bye."

Naglakad na siya papunta sa pintuan. Hindi na rin siya lumingon hanggang sa maisara niya ng pinto. Naiwan akong nakatulala. Just like that, umalis na agad siya.

Nagulat man sa ginawa niya, inabla ko na ang sa sarili sa mga kaharap na papers. Kailangan ko na kasi itong matapis.

Kalaunan nakaramdam ako ng gutom kaya napatingin ako at binuksan ang mga dala niyang pagkain kanina. Mga favorite food ko na naman kaya lalo ako nagutom.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano niya nalaman ang mga favorite food ko, pati na flavor alam na alam niya. Tuwing dadalaw siya, lagi siyang may pagkain.

Halos araw-araw siya pumupunta sa unit or di kaya magpapadala ng pagkain. Hindi din siya nagsasawa na itext ako araw araw at tawagan kung kelan niya trip.

Kahit hindi ako nagrereply, pupunuin niya ng messages ang phone ko. Kapag hindi ko sinagot ang tawag, hindi niya tinatantanan ang phone ko. Kaya mainit talaga ulo ko sa kanya kasi ayaw niya akong tigilan.

RANDOM THOUGHTSWhere stories live. Discover now