MY KIND OF GIRL 9

106 6 3
                                    

BEA POV

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Napuwing kasi siya kanina kaya pinahihipan niya yung parti na napuwing.

Nakaupo siya sa gilid ng bed at nakatayo ako sa tapat niya habang sinusubukang hipan ang mata niya na napuwing.

Pero hindi ko inasahan ang kasunod na ginawa niya. Paano ba naman, bigla niya hinawakan ang mukha ko at hinatak palapit sa kanya.

Tapos, hinalikan niya ako sa mga labi. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ako nakakilos sa pagkakagulat. Hanggang sa naramdaman ko na lang na gumagalaw na ang mga labi niya.

I tried to pull back pero malakas siya. Hindi ko magalaw ang mukha ko para mailayo sa kanya. She was just busy kissing my lips.

Bigla na lamang niya kinagat ang ibabang labi ko kaya naman napabuka ako ng bibig. And she took advantage of it and succedded on what she had planned to do.

Nanghina ang tuhod ko sa ginagawa niyang paghalik. Para akong tinakasan ng lakas ko sa katawan.

PONGS: "Oppppssss. Guys, maya na tayo pumasok."

Biglang narinig ko at nasundan na ng pagsara ng pinto. Naloko na, nakita pa ata ng mga kaibigan niya ang nagaganap.

Pagkasara ng pinto, dun lang siya tumigil sa ginawang paghalik at binitiwan na ang pisngi ko. She was still looking at me. Then, napangiti siya.

Gusto ko siyang hatawin bilang ganti pero narealize ko na may sakit pala siya. Kaya hindi ko na naituloy ang balak. Instead pinalo ko na lang siya sa balikat.

JIA: "Awww."

Reklamo niya sabay hawak sa balikat.

BEA: "Pasalamat ka talaga may sakit ka."

JIA: "I love your lips."

Nangingiti niyang wika. Nagkuyom ako ng kamay, nagpipigil talaga ako na sampalin siya.

JIA: "Parang mas maganda sana kung gumanti ka ng halik."

Talagang nang-aasar siya. Tuluyan ko na kaya ito para naman magtagal siya rito sa hospital.

BEA: "That would be the first and the last that you will ever do that."

Pagbabanta ko sa kanya.

JIA: "Or maybe, hindi ka lang marunong humalik kaya hindi ka man lang nagrerespond kanina."

BEA: "Huwag kang lumaki ang ulo. For your information hindi ikaw ang first kiss ko."

Angil ko sa kanya. Napakayabang kasi.

JIA: "Talaga ba? Eh bakit para kang hindi marunong humalik."

Patuloy na panunudyo niya.

BEA: "Hindi mo ako mauuto sa mga ganyan mo. At lalong hindi ko rin obligasyon na magpaliwanag sayo."

Angil ko sa kanya kasi nakakapikon talaga siya. Then, bigla nagbukas ang pinto. Bumalik na ang mga kaibigan niya. Ito pa ang dagdag sa sakit ng ulo .

PONGS: "Guys tapos na ang loving loving pwede na tayo pumasok."

Natatawang tawag pa niya sa ibang kasamahan. Nakakahiya na talaga. Sa dami ng masasaksihan nila sa ganung eksena talaga pa sila nakatiyempo.

Napapailing na lang ako, samantalang si Jia kininditan pa ako at nagkagat labi pa. Bigla ko naisip na kinagat niya pala ang labi ko.

Ngayon ko lang narealize nagsugat pala ang kinagatan niya. Nakakainis, ano ba ang pwede kong gagawin sa babaeng ito.

DEANNA: "Mukhang magaling na ang sakit mo ah."

RANDOM THOUGHTSHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin