Chapter 19:Long Time No See

41 5 0
                                    

A/N:Hello long wait is over hahahaha
So medyo mahaba ang update na ito para pambawi sa matagal ko na walang update.

So explain ko lang bakit maiikli bawat Chapters,yun ay dahil ang bawat eksena ay ganun lang talaga kahaba at sinasakto ko sya sa Title ng bawat chapter like This Chap pag na banggit or nangyari na yung nasa Title Chapter ended na.

Tsaka dun sa last chapter kaya UNTITLED ang nakalagay kasi bukod sa wala akong maisip ay wala talagang mag ma match na title kaya yun (and please check the last update because I changed the title of it.)

So yun lang. Enjoy!

***

Angela's P.O.V

Kahapon pa may kakaibang presensya akong nararamdaman kaya naisipan ko na hulihin kung sino o anuman 'yon. Sana lang mahuli ko 'yon.

***

Day off ko ngayon dahil Linggo kaya masasagawa ko ang balak kong paghuli dun sa kung sino man ang may ari ng nakakakilabot na presensyang 'yon. Napansin ko na nararamdaman ko lang ang presensya na yun kapag magkasama kami ni Mark,baka si Mark ang pakay nya kaya dapat ko syang mahuli baka saktan nya pa si Mark o kahit sila Stacey.

My plan is to put Invisible Demin and Angel trap in the balcony and in the Kitchen because I don't know if it is a Demon or Angel.

It can only be seen of whom put the trap kaya di mapapansin ng kung sino man 'yon yung mga trap na linagay ko. Inagahan ko pa ang gising ko para mailagay ko yun nang walang nakakakita sakin dahil mano mano ang paglalagay nun at kailangan kong mag drawing ng mga invisible symbols sa mga sahig ng kusina at balcony.

Pagkatapos kong maglagay ng mga trap ay nagluto na ako ng breakfast para sa aming lahat para na rin may palusot ako kung bakit ako gumising ng maaga.

"Hmm... Ang bango naman ng niluluto mo Angela" saad ni Stacey pagkapasok nya ng kusina

"Oo nga Angela. Anong nakain mo at nagluto ka ng breakfast?" Gatong naman ni Harold.

"Uh,wala naman. Gusto ko lang mag thank you sa inyo sa pag tulong nyo sakin makahanap ng trabaho at dahil sa pagtanggap nyo sakin bilang kaibigan nyo" Saad ko naman.

Totoo naman na nagpapasalamat ako sa kanila pero ginawa ko talaga 'to para naman di masayang pag gising ko ng maaga.

"Sus,wala yun no." Saad naman ni Stacey na nakaupo na sa may hapag.

"Hmm... What's that good smell?" Tanong ni Mark habang kunwari ay umaamoy amoy at nakapikit pa ang mata,haha parang bata.

"Oh bro. Yun oh yung niluluto ni Angela" sabi ni Harold habang naka akbay kay Mark. Natapos na akong magluto kaya nagha8n na ako,nag prisinta naman si Mark na tulungan ako sa paglalagay ng mga plato,kutsara at tinidor.

"Ang sweet nyo ahh" Harold.

"Naku,lalanggamin na nga ako ehh" Stacey.

"Tsk. Kayong dalawa talaga. Masama bang tulungan si Angela." Natatawang saad ni Mark.

Kumakain na kami nang biglang bumukas yung maliit na bintana dito sa kusina at naramdaman ko nanaman yung something odd pressence na yun. Kung sino man yun siguro nahuli na 'yon.

Mamayang gabi malalaman ko kung sino yun. Humanda ka kung sino ka man.

***

Alfred's P.O.V

I'm going to visit Angela again. I'm now outside the window of their kitchen because for sure they're having their breakfast.

I opened the window harshly and I step on the window opening.

👼 Angel and Demon 🧛  (The Forbidden Love) [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now