Chapter 3:Annoying

65 10 23
                                    

Alfred's P.O.V

Nasa park kami ngayon dahil may picnic ang family ni Jhonny since Sunday ngayon.

"Ang tahimik mo ata" tanong sa akin nung pakialamerang anghel.

"Wala, bakit?" Walang emosyon kong tugon

"Huh,mamaya baka may pinaplano ka nanaman" saad nya na nakatingin ng masama sakin 

"ofcourse kasi papahirapan kita" tugon ko at saka ngumiti ako ng nakakaloko at halatang naiinis na sya haha ang cute nya---what?No she's not cute.

'Yeah I'm cute haha' narinig ko ang boses nya sa isip ko pero nang tinignan ko sya ay nakangiti rin sya ng nakakaloko habang hindi nakatingin sakin. Ano to gumaganti sya, huh sige tignan natin.

Angela's P.O.V

'yeah I'm cute haha' pang asar kong saad sa isip nung asungot at mukhang nabadtrip sya hahaha.
Nagulat ako ng nilapitan nya si Jhonny kaya sumunod naman ako
Sabi ko na at may binabalak tong asungot nato ehh.

Naglalaro si Jhonny kasama ang bunso nyang kapatid na 5 yrs. Old at di maganda ang pakiramdam ko sa gagawin ng asungot.May ibinulong yung asungot kay Jhonny na ikinagulat ko, inutusan nya si Jhonny na i-swing yung kapatid nya na nakasakay sa swing na pang bata yung parang may lusutan ng paa para hindi mahulog yung sasakay.

Pero hindi basta pagduyan lang kundi malakas na pagduyan ang ginawa ni Jhonny at dahil sa ginawa nya ay umiyak yung kapatid ni Jhonny dahil sa takot, agad naman na lumapit ang mga magulang nila sa kanila at ibinaba yung kapatid ni Jhonny mula sa swing.

"Jhonny! Why did you do that?!" Sigaw ng Daddy ni Jhonny kaya agad ko itong binulungan na mag sorry

"Sorry po Mommy,Daddy nalakasan ko lang po yung pagka swing 'di ko po sinasadya" saad ni Jhonny habang nakayuko

"Haay, it's okay honey.Next time don't do it again" sabi naman ng Mommy nya at inakay na sila pabalik sa picnic mat nila.

Tinignan ko na masama yung asungot na ngayon ay tumatawa

"Bakit mo ginawa 'yon?" Sigaw ko sa kanya

"Because that's my job" he answered and smiled foolishly. Hayy Oo nga naman Angela, demonyo nga diba?

"Hahaha ang saya talaga makakita ng batang gumagawa ng masama at batang umiiyak" dagdag pa nya habang tumatawa. Arrrgh nakakainis makakabawi din ako.

***

Nakauwi na kami sa bahay nila Jhonny at medyo padilim narin.Medyo napagod ako sa mga pinag-gagawa ng demonyong asungot na 'to arrrggghh pero buti nalang at hindi lumala mga ginagawa ni Jhonny kasi naka-counter attack ko yung mga kalokohan na pinapagawa nung asungot kay Jhonny.

***

Gabi na ngayon at ito ako nasa bubong ng kwarto ni Jhonny nakahiga at nakatingin sa mga bituin.

" Ang gaganda talaga ng mga bituin at buwan sa gabi" saad ko sa sarili ko

"Ang hilig mong mag isa" napalingon naman ako dun sa bandang kanan ko at nakita kong si asungot pala

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko

"Hmmm,nothing" sagot nya , tss.

"Eh ikaw bakit mag isa ka?" Tanong naman nya.

"Syempre wala akong kasama kaya mag isa ako" pilosopa kong sagot

"Sana sinabihan mo ako" this time nakaupo na sya sa may tabi ko at ako ay tumayo at medyo dumistansya sa kanya he's so annoying

"Mas mabuti pang mag isa ako kaysa naman makasama ka" irita kong tugon.

Pagkatapos ng bangayan na 'yon ay ilang saglit kaming nabalot ng katahimikan na sya rin ang bumasag.

"Kailan ka susuko?" Tanong nya saka ibinaling ang tingin sakin habang nakangiti ng nakakaloko

"Hanggat 'di ka sunusuko" i answered at tumayo na at pumasok na ako sa kwarto ni Jhonny para bantayan sya sa pag tulog at syempre sumunod yung asungot at sumandal banda sa bintana.

👼 Angel and Demon 🧛  (The Forbidden Love) [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now