Chapter 21: Bonfire (Truth or Dare)

35 3 14
                                    

So here it is.

The Mark and Angela moment awiiiiiieeee. So in this chapter baka back to short updates ulit hehe.

Enjoy!

***

We're now here sitting in front of the bonfire mark and harold made.

kaming apat lang kasi si mama melly daw ay magpapahinga na, 9 pm na rin kasi.

"So, laro tayo" panimula ni stacey.

"Anong laro naman?" tanong ni harold.

"Hmm. Paper, Scissors. Boys vs. Girls" sagot ni Stacey.

"Pano naman lalaruin yun?" Tanong ko naman.

"Oo nga parang diko pa naririnig yun". Pag sang ayon ni Harold.

"Okay ganto. Halimbawa mag pi-pick tayo 5 time by pair tapos kung sino yung dalawang mga talo itu truth or dare bale tig dalawang truth or dare per loser,gets?" paliwanag ni Stacey.

Tumango naman kaming tatlo.

Una na nag pick sila Stacey at Harold at natalo si Harold kaya naman ay next na kami ni Harold na nag pick. Natalo ko naman sya kaya ito na ang truth or dare portion. Bale kami ni Stacey ang magtatanong sa kanila.

Stacey: Truth or dare
Harold: Aish,Dare
Stacey: okay,then swim now 5 minutes.

"What?!" Halos pasigaw na tanong ni Harold

"Alam mo ba anong oras na tsaka sobrang dilim na at malamig pa" angal ni Harold.

"Why? Nag dare ka diba kaya dapat gawin mo" sigaw naman pabalik ni Stacey.

"Ugh! Fine".

Wala nang nagawa si Harold kaya naman hinubad na nya yung t-shirt na suot nya kaya naman kita ang 6 pack abs nya at di mo maitatanggi na may pang laban sya sa pangangatawan— aish Angela kailan ka pa naging interesado sa katawan.

After 5 minutes umahon na si Harold at halatang lamig na lamig sya. HAHA grabe talaga itong si Stacey.

Ngayon si Mark naman ang tatanungin ni Stacey.

"Dare" agad na sagot ni Mark.

"Teka di pa ako nagtatanong ahh" angal ni Stacey.

"Alam ko naman na itatanong mo kaya sinagot ko na agad" tugon ni Mark.

"Aish,okay." Panimula ni Stacey at nakita ko naman na ngumisi sya.

Haay. May binabalak nanaman 'tong babaeng to.

"Kiss Angela's cheeks" she ordered— wait, what?

"Bakit naman ako nadamay jan?" Reklamo ko.

"Dare lang naman eh" sagot ni Stacey.

"Wala na bang iba?" Tanong ko ulit

"Once Stacey said,she gets" walang ganang sabat ni Harold.

O_O

Wait. . . What just happened?

He. . . He kissed my cheek. . . Mark kissed my cheek.

"Wahhhhh,the best ka talaga man" sabi ni Harold habang tinatapik tapik ang balikat ni Mark. Si Mark naman. . . Ewan kung dahil lang sa apoy o namumula talaga sya.

Ako?. . .

Ewan pakiramdam ko nagsiakyatan sa mukha ko lahat ng dugo ko. Pakiramdam ko ang pula pula ng mukha ko.

"Uy! Tulala kayong dalawa jan" tawag samin ni Stacey.

"Tsk." Tanging sabi ni Mark at tumingin sa malayo. Ako naman eto medyo nahihiya dahil patuloy parin sa pang aasar sila Stacey at Harold.

"Teka diba mag tatanong din si Angela?" Pag iiba naman ni Mark.

"Okay" saad nung dalawa.

Inuna kong tanungin si Harold.

"Truth or Dare?" Tanong ko sa medyo mahinang boses. Nahihiya parin kasi ako.

"Okay Dare. . . Papalanguyin mo din ba ako?" Saad nya na medyo nagpatawa sa amin.

Nagulat naman ako nang medyo lumapit si Mark at may binulong. Sinunod ko naman ang sinabi nya.

"Uhh, kiss Stacey's cheek" medyo nag aalangan kong utos.

"Wait gumaganti ka ba Angela? Joke lang naman yun eh hehe. Ikaw naman" saad ni Stacey na parang kinukumbinsi ako na palitan yung utos ko kaya napatingin ako kay Mark at naka crossed arm sya. Umiling sya na sinasabing 'No don't change the Dare' so I did.

"No returns" I just said.

O_O

Stacey became shocked when Harold really did my Dare haha.

"Okay Angela si Mark naman utusan mo" reklamo ni Stacey

"Uhh, Mark?" Medyo nag aalangan kong tanong.

Ewan parang ang awkward dahil dun sa isang simpleng kiss nya sa cheeks ko. Ugh! Angela it's just a dare.

"Okay Dare" he answered.

Wow lahat Dare ahh.

"Uhh, can you sing?" Nag aalangan ko ulit na tanong.

Ewan ko wala na ako maisip na iutos,isa pa narinig ko kasi syang kumanta nung isang araw kaya gusto ko ulit marinig.

"Wow! Yun talaga? Kanta?" Natatawang sambit ni Harold

"Uh wala kasi aking maisip na utos" nahihiya kong sagot.

"Summer after highschool when we first met," napatigil naman kami nang mag simulang kumanta si Mark.

We'd make out in your Mustang to Radiohead
And on my 18 birthday
We got matching tattoos

Used to steal your parents' liquor and climb to the roof

Talk about our future like we had a clue
Never planned that one day I'd be losing you

Parang feel na feel nya yung kanta. Ewan basta nakatitig lang ako sa kanya.

In another life
I would be your boy
We'd keep all our promises
Be us against the world

In another life
I would make you stay
So I don't have to say you were
The one that got away
The one that got away

Parang mayu kung ano sa akin habang kinakanta nya yung huling line. Argh Angela ano ano nanaman niisip mo.

Maikli lang yung pag kanta nya pero alam ko na may malalim syang pinaghuhugutan ng kanta na iyon.

Bigla namang nagpalakpakan yung dalawa naming kasama at nag 'tss' lang si Mark. Diko talaga maintindihan 'tong taong 'to minsan ganyan sya pa cold kunwari minsan naman nakikisabay sa kalokohan nila Stacey at Harold.

Napapangiti nalang ako habang kasama ko sila. Isang buwan na simula nang bumaba ako dito. Minsan nga nakakalimutan ko yung misyon ko na hanapin yung Fallen Angel dahil nagiging komportable na ako sa mga kasama ko, sa mga bago kong kaibigan.

"Hoo, parang mas lumakas yung hangin ahh. Tara pasok na tayo".

Nabalik ako sa kasalukuyan nang mag salita si Stacey. Nag agree naman kami kasi hindi rin maganda ang pakiramdam ko sa hangin na yun.

***

A/N: Wews another update.

Sorry medyo natagalan ulit.
Just wanna share this. Anxiety and Depression are killing me. Nahihirapan ako makapag isip ng isusulat ko. I'm mentally breaking down. Good thing medyo nababawasan yung inaalala ko kapag nakakapag update ako. To my readers I know we're not close but can I have virtual hug?🥺 I need some comfort. I can't promise to update always but I'll assure you na hindi kayo mabinitin sa story ko at tatapusin ko sya till the end...

Thanks again and Enjoy!



👼 Angel and Demon 🧛  (The Forbidden Love) [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now