Chapter 2:First Day

73 14 29
                                    

Kina-umagahan...

"Welcome to your first day of being my toy" saad nung bwiset na asungot. Arrrrghh naiinis nako ngayon palang.

Toy? I'm not a toy.

"Huh, I'm not your toy take note of that." inis kong sagot sa kanya at ngumiti ito ng nakakaloko at saka lumabas sa kwarto ni Jhonny ang batang alaga ko.

Fastforward>>>

Nasa school kami ngayon ni Jhonny at pagkapasok palang sa room nila ay may sumalubong na kay Jhonny na mga bata.

"Oy taba amin na ang baon mo" saad ng bata

"pero wala akong makakain" tugon ni Jhonny habang naka yuko

"wala akong makakain,huh amin na sabi o masasaktan ka" saad muli ng bata.

Naawa tuloy ako kay Jhonny kasi binubully pala sya

'panoorin mo ang gagawin ko'. Saad nung asungot sa isip ko

"Anong gagawin mo!" bulyaw ko sa kanya. Pero di sya natinag nilapitan nya si Jhonny nagpaliit at pumwesto sa may kanang tenga ni Jhonny.

Sumunod ako dahil baka kung anong kalokohan ipagawa nya kay Jhonny di ko dapat pabayaan yun dahil ako ang guardian angel ni Jhonny.

Pumwesto ako sa kaliwang tenga ni Jhonny at narinig ko ang binulong sa kanya nung asungot.

'suntukin mo sya' .utos ni asungot kay Jhonny.

Pero syempre diko hahayaan yun

'wag mo nalang silang pansinin baby boy at umupo kana sa upuan mo' pagsalungat ko sa bulong nung asungot pero syempre di rin sya nagpatinag.

'No!Jhonny fight them' urrrghh nakakainis,sinamaan ko ng tingin yung asungot at as asual nginitian nya lang ako ng nakakaloko.

Ang hirap ng first day ko dahil sa bwiset nato. Natigilan ako ng makita ko na nakakuyom yung mga kamao ni Jhonny agad naman akong kumanta sa kaliwang tenga ni Jhonny para mapakalma sya unti unti namang bumukas ulit yung mga palad ni Jhonny at nagsalita at binigay ang pera at lunchbox sa mga bata.Nagulat ako ng sinigawan ako ni asungot~este Alfred.

"See,tignan mo ang ginawa mo nabully nanaman sya, mga pakialamero talaga kayo" pagsigaw nya sakin na ikinagulat ko at ewan pero di ako makagalaw,dahil ba sa takot? Ewan ang alam ko bigla nalang umitim yung mata ni Alfred at may kung anong binulong kay Jhonny.

Ang huli kong nakita ay umiiyak na yung mga batang kumuha ng baon ni Jhonny at dumudugo ang labi

"Jhonny ano ang ginawa mo" tanong ng isang babae kay Jhonny, sa tingin ko aya ang teacher nila

"Teacher sinuntok nya po kami" sumbongnung unang bata habang umiiyak

"Kinukuha nanaman po kasi nila yung baon ko" depensa ni Jhonny

"Kayong tatlo sumama kayo sakin sa principal's office" sabi nung teacher.

***

Principal's office...

"Just wait for your parents" saad nung principal.

"Ano bang ginawa mo pinahamak mo si Jhonny" bulyaw ko dun sa asungot

"huh,kung hindi ko ginawa yun palagi nalang syang mabu-bully" tugon nya ng hindi nakatingin sakin.Napaisip ako sa sinabi nya

"pero hindi naman solusyon ang karahasan" depensa ko.

"Yan naman talaga ang mga katwiran nyo,huh." Tugon nya saka ibinaling ang tingin sakin.Napaiwas naman ako nang tumingin sya baka kasi makita ko nanaman yung nakakakilabot nyang itim na mata.

Napahinto ako sa pag iisip nang tumawa sya

"hahaha,i think natakot ka kanina" he said at ngumiti nanaman ng nakakaloko

"Tss,of course not naiinis lang ako sa ginawa mo" pagdedepensa ko saka pinilit na tumingin sa kanya at nakita ko na bumalik na sa transparent red yung mata nya. Kaya nakahinga nako ng maluwag.

Maya-maya ay dumating na ang mga magulang ng bata pati ang mommy ni Jhonny at sa huli ay nagka ayos ayos na sila basta hindi na nila uulitin ang pag aaway na ganon.

👼 Angel and Demon 🧛  (The Forbidden Love) [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now