Chapter 11: Confrontation

42 4 1
                                    

Angelo's P.O.V

Andito na kami kung nasaan ang bahay ng bata na inaalagaan ni Angela, pero... Wala sya.

Nasaan ka ba Angela?

"Kuya Angelo nasa loob po ng bahay yung bata" saad ni Simon pagkabalik nya rito sa labas ng bahay "Ano pero basaan si Angela?" Tanong ko rito "Hindi ko po sya nakita" sagot naman nito. Masama ito nasaan na ba sya?

"Wala po si Angela?" Nagulat ako ng biglang sumulpot si Hanna "Anong ginagawa mo rito diba sabi ko 'wag ka nang sumama" Saad ko rito "Pero nag aalala po talaga ako kay Angela pasensya na kuya" tugon nito kaya wala na akong nagawa.

"Sa tingin ko kuya alam ko kung nasaan sya" saad muli ni Hanna "Saan?" Tanong ko "Ako na po ang bahala kuya" saad nito at saka tumakbo kung saan kaya hindi ko na ito napigilan. Saan kaya sya pupunta?.

"Simon–" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil wala na rin si Simon sa likuran ko "Sinundan nya si Hanna" saad naman ni Miguel dahil nabasa nya siguro ang ekspresyon ko. Mabuti na na sinundan ni Simon si Hanna para malaman namin kung saan sya pupunta. Sa ngayon maghihintay muna kami kung ano ang mangyayari.

***
Angela's P.O.V

Andito parin kami sa hideout ni Alfred at may hindi talaga akong nararamdaman na maganda na mangyayari. Nasa kwarto na ngayon si Alfred at ginagamot ang sarili nya dahil ayaw nyang ako ang gumawa nun.

"Sabi ko na at nandito ka Angela" hingal na sabi ni Ate Hanna– teka. "Ate Hanna?!" Nagulat ako dahil paano sya nakapasok dito. "Angela kailangan na nating umuwi nag aantay sayo sila kuya Angelo doon sa bahay ng Guardian Kid mo" saad nito "Pero bakit po may 2 months pa po ako at saka pano ka po nakapasok dito ate Hanna" sunod sunod kong tanong dahil sa pagtataka "Mahabang paliwanagan 'to Angela si kuya Angelo na ang tanungin mo" tugon naman nito. "Pero ate–".  "Alam kong alam nya na parating kami kaya ka nya dinala dito kaya alam nya na rin kung bakit ka nalang bigla mawawala rito kaya tara na at umuwi na tayo" mahabang turan ni ate bago pa ako makapagsalita na parang alam nya ang sasabihin ko.

"Yes I know it" saad ni Alfred pagkalabas nya ng kwarto mula sa 2nd floor. "Alfred." Sambit ni ate habang masamang nakatingin ka Alfred. Teka magkakilala sila? "Oh Hanna, long time no see" tugon naman ni Alfred. "Ang laki na ng pinag bago mo" dagdag pa nito "Oo at hindi na ako yung uto-uto na Anghel na nakilala mo" tugon naman ni ate kaya lalo akong naguluhan. Magkakilala sila? Uto-uto? Teka ano bang pinag-uusapan nila.

"Isasama ko na si Angela at hindi ko hahayaan na mangyari sa kanya ang nangyari sa akin" mahabang turan ni ate kay Alfred. "Teka ano po bang pinag-uusapan ninyo?" Naguguluhan kong tanong "Kung anong klaseng Manloloko ang Alfred na 'yan" sagot ni Ate "Manloloko?" Oo pilyo, loko-loko,pang asar at nakakabwiset ang Alfred na 'to pero ano ang ibig sabihin ni Ate sa Manloloko? Bakit ang diin ng pagkakasabi nya non?

"Oo siguro nga niloko kita sa unang parte pero alam mong totoo na ang sinasabi ko nung huli hindi ba?" Si Alfred naman ang nagsalita "Huh, sinungaling" saad ni ate na parang galit na "No Hanna, totoo yung sinabi ko noon" tugon ni Alfred "Yung alin? Yung poprotektahan mo ako? Huh, Alfred hindi totoo yun dahil hindi mo nagawa yung pangako na 'yon" sa pagkakataong ito ay umiiyak na si ate Hanna.

Ano ba talagang nangyayari? Magkakilala na ba sila noon pa? Ano yung poprotektahan na sinasabi ni ate?

(To be continued...)

***

So guys dahil mahaba ang scene na ito ay hinati ko na sorry sa pabitin sa Chapter na ito :)

So wait for the next Chap. Good day:)

👼 Angel and Demon 🧛  (The Forbidden Love) [COMPLETED✓]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz