Chapter 24: Alfred

33 5 18
                                    

It's been a week after the outing and 2 weeks simula nung huling nagpakita sila Kuya Angelo and... Si Alfred.

I missed him. Yeah I know this is not right,but... How can I control myself loving him.

I'm an Angel ang he's a Demon. It's forbidden. A forbidden love. But I can't help not feel that love.
Sana naging tao nalang kami pareho para pwede kami. Walang tututol at hindi bawal kasi pareho naman kaming tao. Pero hindi. Anghel ako at Demonyo sya.

"Ate Angela!" Tawag sa akin ng alaga ko.

"Yes Matthew?" I asked.

"I want sandwich po." Nag puppy eyes pa, how cute.

"Okay. Tara sa kusina at igagawa kita ng sandwich." Sabi ko saka kami pumunta sa may kusina. Matthew is a 5 year old kid and he's not yet going to school kaya tinuturuan ko rin sya minsan ng mga basics like count numbers,letters and writing his name. Matalino syang bata kaya madali lang turuan.

"Ate Angela?" He called.

"Yes?" I asked.

"Is kuya Mark your boyfriend?" He innocently asked.

"What? N-no. He's just my friend." I answered. Sh*t bakit ako nauutal and why am I cursing. Haay. Naa-addapt ko na ang mga gawain ng mga tao. Natatakot na ako, ayoko maging fallen Angel huhu. Aish kalma di ako magiging fallen Angel.

"Here's your sandwich." I handed the plate with sandwich to Matthew.

***

Hanggang sa makauwi si Alfred nasa isip ko. My God! He's filling my head with his thoughts.

"That's how much you missed me?" Halos mapatalon ako sa kama ko nang may magsalita. Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses at di naman ako nabigo. Nakita ko si Alfred na nakasandal malapit sa may bintana at naka crossed arms. He's still wearing his black t-shirt inside his red blazer suit. He's still handsome– wait, what?! Erase erase.

"Why erase. Ang ganda na nun tas in-erase mo pa." He said.

"Heh!. Ewan ko sayo." I said at nag crossed arm din.

"Bakit ka pala nandito?" Pambabasag ko sa katahimikan.

"Simple. I want to see you." He said while looking at my eyes intently.

"I'm in human form. Kaya bakit mo pinakita ang anyo mo." I asked.

Kapag nagpakita kaming mga anghel sa mga tao ang makikita nila ay nakasisilaw na ilaw kabaliktaran naman sa mga demonyo. Makikita mo ang itim na aura na nakapalibot sa kanila,at kung hindi ka sanay ay matatakot ka talaga. Sa totoo lang nakakakilabot talaga.

"I can't turn myself into human form maliban kung mag posses ako ng isang tao, You know that at hindi maganda ang mangyayari sa tao na yun. Kaya nagpakita nalang ako sayo." He explained.

Yeah pwedeng mamatay yung tao na ipo-posses nya.

Naglakad sya palapit sa akin kaya mas lalo akong kinilabutan dahil sa aura nya.

Halos mapako ako sa pagkakaupo ko nang haplusin nya ang pisngi ko. Hindi ganun ka intense ang aura nya di gaya kapag galit sya.

Parang may sariling buhay ang mga mata ko na pumikit habang hinahaplos ni Alfred ang pisngi ko. I missed his touch. I missed his soft hand carresing my face. Namalayan ko nalang na nakahawak na ako sa kamay ni Alfred na nakahawak sa pisngi ko. Nagmulat ako ng mata nang magsalita sya.

"I missed you. I really missed you." He said and suddenly I felt his soft lips on mine. I closed my eyes while savouring his lips.

I lost it again. I lost in his lips. I forgot about our forbidden love again.

I wish we could love each other forever. Without anyone blocking us.

My eyes widened when someone punch Alfred that caused him to fall on the floor.

***

A/N: mueheheh paputol muna. Sino kaya sumuntok kay Alfred. Hahahhaha alam ko na alam nyo.

Pagpasesyahan nyo na ang story ko dahil puro plot holes. Sana i support nyo ito hanggang dulo. Unti nalang patapos na ito. Thanks sa mga readers ko at kay Ms. 13thlynx na nang i-spam sa comment section. Thank you bhie.

Enjoy!

👼 Angel and Demon 🧛  (The Forbidden Love) [COMPLETED✓]Kde žijí příběhy. Začni objevovat