Chapter 16: Drunk Ace

4.7K 151 1
                                    

Samantha PoV

Subrang gulo pa din ng utak ko, pinilit ko nalang munang wag na iyong isipin, gumagabi na din. Babalik na sana ako kina Peyton ng tumunog ang cellphone ko.

"Hello Samantha Santillian speaking how may I help you?" Pormal na bungad ko sa tumawag, baka kasi tungkol ito sa trabaho.

"Hello Ms. Santillian pwede n'yo po bang ma sundo yung asawa ninyo dito sa bar" sagot naman nito.

"Asawa?"

"Si Mr. Ace Saford po"

Bwesit namang Ace to, o. Napagkamalan pa kong asawa nya. Ano na naman kayang pumasok sa isip non at naglasing na naman, anong oras palang lasing na agad.

"Uhm sa'ang bar po?"

"Clasic Town Bar po"

Isang oras ang byahe nito mula dito sa probinsya, kahit ayaw ko ay umalis parin ako para sundoin ang gagong yun. Hindi na 'ko na kapagpaalam kay Anne.

Walang ng ingay, na maririnig maaga kasing nagsasara ang bar na ito tuwing sunday. Pag pasok ko ay wala man lang ka tao-tao dito.

Saan na ba ang gagong yun.

"Ma'am kayo po ba si Ms. Samantha Santillian?" Tanong ng isang babae, isa ata itong waiter basi sa suot nitong uniform.

"Ako nga po"

"This way po Ma'am"

Nauna na itong maglakad kaya sumonod nalang ako, umakyat kami sa second floor ng bar, tumigil ito sa isang VIP room number 124.

"Kayo na pong bahala kay Mr. Sanford, mula kaninang alas-dyes ng umaga pa po yan umiinom"

Kaya pala! Tumango nalang ako at pinihit ang door knob at pumasok.

Nakahilatya na ito sa sofa, madami ding mga boteng nakakakalat.

Tsk maglalasing tas di naman kaya

"Hey Ace wake up" saad ko rito at bahagya pang niyugyog ang balikat pero tulog talaga ito.

Ang lakas ata ng tama sa kanya ng alkohol. Aanhin ko naman 'to? Bubuhatin? Tsk as if I can.

Lumabas ako at tinawag yung isang lalaking waitress para tulongan akong mabuhat ang gagong Ace na 'to at maisakay sa kotse.

"Salamat" sabi ko rito at ngumiti, tumango lang ito.

Padabog kong sinarado yung pintuan ng sasakyan at umikot sa drivers seat.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa condo nito, malayo ang bahay nila kaya dito nalang sa condo nya.

Ilang ulit akong napairap dahil sa subrang bigat nito. At salamat naman at nakarating na kami ng condo nito.

"Ano bang passcode nito?" Inis na tanong ko, kailangan kasi ng passcode para makapasok.

Tri-nay ko yung buong pangalan nya peru puta hindi yun ang passcode nya, tri-ny ko naman yung Sanford lang peru hindi din.

"Bwesit naman oh"

Ilang ulit ko ng sinubokang magisip at magtype ng passcode pero hindi ko parin nakuha ang tamang passcode.

"Ay puta meron naman palang finger print" mura ko ng makitang merong finger print sa gilid.

Hinawakan ko ng dahan-dahan ang kamay nito at tinuon sa finger print analizer, buti naman at bumukas na.

Pabagsak kong nilagay si Ace sa kama nito.

"Mukha ka naman palang tao, no?"

Para itong anghel kong natutulog, pero pag gumising ay mas masahol pa sa demonyo.

Hiding the Billionaires son Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon