Chapter 69: Revealation

3.8K 88 0
                                    

Chapter 69: Revealation (Confession)

Third Person Point of View

Dalawang araw na ang nakakalipas mula ng sila ay dumating sa probinsya. Kahapon ay sumunod sa kanila ang mga magulang at kaibigan ni Samantha. Ang pamilya naman ni Ace ay ngayon dadating kaya't tudo handa na sila. Napag-usapan na rin nilang sa Alobihod Beach Resort didiretso sina Ashley. Magswi-swimming sila ngayon, nakahanda na ang lahat kaninang madaling araw sila pumunta rito dahil sa kagustohan ni Samantha'ng panuorin ang pagsinag ng araw.

Naging masaya ang araw nila sa Guimaras, pagkatapos ng gabing nakita nilang nag-aaway si Savana at Thadeous ay naging maayos na ang pagsasama ng mga ito. Kapansin-pansin rin ang pagiging malapit nila sa isa't isa. Tama nga si Damon maaayos din nila ang gusot sa pagitan nilang dalawa. Thats what Samantha is praying for.

Sapaanyaya ng tiyahin ni Samantha, kapatid ng ina nito ay sa mansion ng Auntie Ninya niya sila pansamantalang nakatira. Walang anak ang Auntie Ninya nito, ang asawa nito ay matagal ng pumanaw. Masaya ito ng malamang may anak na si Samantha, at maayos ang pakikitungo nito sa ama ng anak.

Mariing pumikit si Samantha upang namnamin ang malamig na simoy ng hangin. Napaka-ganda nito sa pakiramdam, para siyang malayang ibon. Malayang maramdaman at masilayan ang kagandahan ng lugar na ito. Naramdaman nitong may yumakap sa kanyang baywang. Nanatili siyang nakapikit habang si Ace naman ay nakahiling ang ulo sa kanyang balikat. Mas lalong gumanda ang pakiramdam niya. Sana ay ganito na lang sila habang buhay. Sana ay sa kanya ang lalaki. Kailan kaya nito masasabing sa kanya nga si Ace? Sa pagkakataon bang wala na si Athrea? Sa pagkakataong magpapaubaya ito? Kaylan, kaylan mangyayari iyon? Sa panahon bang pagod na siyang ipaglaban ang lalaki?

Pano ka pa lalaban kung umpisa palang alam mo ng wala kang laban?

Nga naman, umpisa palang ay wala naman talaga siyang laban. Pero ganon ang pagmamahal. Kailangan mong sumugal   kahit alam mong walang kasiguradohan. Kailangan mong lumaban kahit ang taong pinaglalaban mo ay may pinaglalabang iba. Susugal ka sa ngalan ng pagibig.

"I love you"

Nanigas ito sa kinatatayuan ng marinig ang katagang iyon. Pinatakan siya ng halik ni Ace sa gilid ng pisnge nito. Agad na nagwala ang puso nito, nagiging abnormal na naman ang puso nito. Alam na alam niya na si Ace lang ang nakakagawa no'n. Parang may nga ligaw na paru-paru sa tiyan nito. Ito na naman ang bago at hindi kilalang pakiramdam niya. Ayaw niya mang aminin ay talagang nahulog na ang puso nito kay Ace. At subrang hirap na itong pigilan.

Those three words. Three words that she's been waiting for. Pero ngayon na nasabi na niya iyon ay bakit parang naduduwag siyang sabihin ang salitang I love you too. Dahil ba hanggang ngayon ay maypagdudoda parin sa puso niya? O dahil gusto niyang paniwalain ang sariling may mahal itong iba.

"I said I love you" ulit ni Ace. Anong merun sa lalaking ito at bigla nalang mag-a-I love you? Bakit kahapon ay parang ang hirap nitong sabihin iyon, ngunit bakit ngayon ay pabigla-bigla ito.

Kasi nga Samantha ay nagkalakas ng loob na si Ace! Eh ikaw kailan ha? Kailan ka maglalakas loob na sabihin ang tunay mong nararamdaman? Thats the only way to erase that doubt in your heart. Confess your feelings and hear his answer. If he loves you or not. Kasi hanggat naduduwag ka ay patuloy kang masasaktan ng doubt and overthinking mo. Its your time. Your time to officially say that you own him.

"I-I know" imbis na I love you too ay iyon ang nasabi niya. Siya na naman itong naduduwag ngayon. Ngayon pang nagco-confess na si Ace.

Ngumiti ito at humarap sa lalaki. Nakanguso si Ace. Mas lalo siyang natawa, apaka-cute talaga ng lalaking to. Manang-mana si Peyton sa ama nito.

"Bakit I know? You should say i love you too" mas lalong humaba ang nguso ni Ace.

"I know. Alam na alam ko kung gaano mo ako kamahal. Naramdaman ko iyon sa makalipas na dalawang araw. Pinaramdam mo sakin iyon Ace. And why I don't say I love you too? Kasi mas gusto ko iyong Te amo"

Nagsalubong ang kilay ng lalaki. Nangunot ang nuo nito.

"Are you cursing me?"

Malakas na tumawa si Samantha na nakapag-inis kay Ace. Kanina lang ay nagsabi ito ng I love you at hindi man lang siya nito sinagot ng I love you too. At ngayon naman ay minumura siya nito.

"CEO's like should know at least 5 or more languages. Looks like Mr. Sanford didn't learned Spanish." Panunuya nito sa lalaki. Mukhang nakaligtaan nitong aralin ang Spanish. Dapat ba siyang matuwa? Dahil hindi alam ni Ace ang ibig sabihin ng salitang iyon. O dapat siyang malungkot? Dahil nagco-confess na nga siya ay hindi naman alam ng lalaki.

"Of course, I learned Spanish... I-i just forgot what Te amo means" pagaamin nito, napakamot pa ito sa likod ng ulo at nahihiyang yumuko.

"Te amo means I love you. Te amo, Wo ai ni, salanghae, aishitemasu, je vous aime. Limang lengwahe iyon, pero iisa ang ang ibig sabihin. I love you Mr. CEO"

Sa wakas nakaya niyang sabihin iyon.

"I love you too Mr. Secretary"

Kinabig ito ni Ace at nilapit sa kanya upang yakapin. Habang yakap ng lalaki ay nagpakawala ng isang butil ng luha si Samantha. Sa wakas, maaari na niyang sabihing sa kanya ang lalaki, na pagmamay-ari niya ito. Dahil ngayon ay alam na niyang mahal siya nito. Tears of joy.

"So this means you're my girlfriend now?" Tanong ni Ace nang hindi parin kumakawala sa yakap. Ngumiti ito ng may maisip na plano.

Kumalas siya sa pagkakayakap ng lalaki at nakakunot ang noong hinarap ito.

"Hindi mo pa nga ako nililigawan girlfriend mo na agad ako? Hindi ibig sabihin na sinabihan kita ng I love you, eh girlfriend mo na ako. Ang kapal naman ng mukha mo, Mr. CEO" kunwaring naiinis na wika nito. Pero sa loob-loob nito ay tawang-tawa na siya sa reaksiyon ng lalaki. Para itong pinagsakluban ng langit at lupa.

"Hindi naman ako easy to get, Mr. CEO. Gusto ko rin maranas ang nililigawan, ano. So court me first"

Totoo ang sinabi nito. Gusto niyang maranasan ang pakiramdam na nililigawan, lalo na at si Ace ang manliligaw niya. Though madami ng nanligaw sa kanya noon, kabilang na roon si Damon. Pero iba naman ngayon eh, si Ace na to oh. As in si Ace Tyron Sanford.

"Kahit girlfriend na kita. I'll still court you. I want the universe to know how much I love you. I want them to know that you are mine, and whats mine is mine. Get it?"

So possesive, huh. She likes it— she loves it when he is being possesive towards her. She feels like is she is very special to him.

Authors Note:

Hindi pa tapos ang chapter na to pero in-update ko nalang, kasi mag-wa-one week na kong di nakapag-update sa dami ng school works. I'll update the part 2 of this chapter when I have time

Your comments are highly appreciated.

A new story collaboration will be publish next week. Please support it.

Again, Alice and Draven story is up.

Kaninong story gusto nyong isusulat ko after this? You can comment your suggestion or you can message it on my facebook account Autumn Lescae WP, kakagawa ko lang ng account na ito kaya ayon kunti yung friend list ko.

Have a nice day everyone <3

FB: Autumn Lescae WP

Hiding the Billionaires son Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon