Chapter 71: Acceptance

4.4K 75 0
                                    

Chapter 71: Acceptance

Samantha POV

"Calm down, love, they won't bite you" pag-aalo sa akin ni Ace, natatawa pa ang loko

Apairap na lamang ako rito. Imbis kasing i-comfort ako nito ay parang pinagtatawanan pa. Kanina pa ako nanginginig habang papasok kami ng beach resort. Kami nalang daw ang inaantay. Ang lalaki kasing ito ay mas inuna pa ang pangiinis sa akin kaysa pagmamaneho.

"Hindi naman siguro ako papalayasin ng mommy mo ano?" Tanong ko rito.

Tumigil ito sa paglalakad, murahap siya sa akin at inabot ang aking nanlalamig na mga kamay. Mahigpit niya iyong hinawakan. Nang dahil roon ay medyo kumalma ako.

"Don't be nervous, okay? Mommy will accept you, at hindi ka niya papalayasin. Just calm down and go with the flow. We should enjoy ourselves it is our son biggest day" he calmly said and smile.

I exhaled and nodded. Nagpatuloy kami sa paglalakad, malayo pa lang ay rinig na namin ang mga tao ng nagsasayahan. Pinasarado ni Ace ang resort para sa aming lahat, mas safe raw pag ganoon.

Hawak kamay naming sinalobong si mommy, nakataas ang kilay nito. Siguradong galit ito dahil nahuli kami, ayaw pa naman nito ng mga late comers.

Mabilis ang mga hakbang ni mommy habang sinasalobong kami, hinahawakan pa nito ang laylayan ng suot na white off shoulder beach dress.

"My God! Where the hell you two came from, huh? Pinag-aantay niyo kaming lahat lalong-lalo na ang anak ninyo. I know that you want to solo each other, that's normal for the couples but please not now. Patapusin niyo muna itong celebrasyon ng una kong apo saka kayo gumawa ng sunod." Sermon ni mommy.

Napaismid si Ace sa sinabi nito kaya siniko ko. Mapakla naman akong ngumiti rito at hinila silang dalawa na lumapit na sa venue.

Sa isang simpleng floating cottage ginanap ang venue. Since hindi naman type ni Peyton iyong mga cartoon characters ay mas pinili naming gawing book theme ang party nito. Iyon rin kasi ang gusto niya.

Mabilis na lumapit sa amin si Peyton. Nakasuot ito ng kaparehas na beach short at t-shirt kay Ace.

Hiding the Billionaires son Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon