February 24, 2021

68 2 0
                                    

THE RIGHT PLACE

VOTD (Verse of the Day)

So Jonathan made a covenant with the house of David.

1 Samuel 20:16

_._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._.

Naranasan mo na ba ang isang sitwasyon kung saan may pangarap kang gustong abutin pero hindi sinagot ng Diyos? Nagtaka ka din ba kung bakit? Bakit nga ba?

Sabi nga sa Matthew 7:7 "Ask, and it will be given to you; and you will find; knock, and the door will be opened to you."

So, nung nagrerequest ka na kay Lord, bakit hindi Niya binigay? 

Maraming rason kung bakit hindi Niya binigay sa'yo. But isa lang muna ang paguusapan natin ngayon. It is because hindi iyon nakalaan sa'yo. Gano'n lang kasimple. Ang pangarap na gusto mo o ang bagay na gusto mo ay hindi para sa iyo. 

May planong iba para sa'yo ang Panginoon. And His plans are much more better. Wag mong pilitin ang hindi para sa'yo dahil kaya ayaw ng Panginoon iyon for you ay kasi hindi ito makakabuti sa'yo. Isang sampal man ng katotohanan na hindi mo makukuha ang gusto mo, may nakalaan naman si Lord para sa'yo na alam Niyang magugustuhan mo at mas better.

No one knows more than the Lord. Alam Niya ang nilalaman ng puso mo. Alam Niya ang nilalaman ng utak mo. Alam Niya ang mga ayaw sa gusto mo. Kahit ikaw na ang pinakamagaling magtago ng sikreto, alam Niya pa din 'yan. Ang Panginoon ang gumawa sa'tin, kaya alam Niya din ang ating mga pangangailangan upang lumago. Just trust Him. Mahal ka Niya kaya hindi ka Niya ipapahamak.


God bless!


2021 Daily ReflectionWhere stories live. Discover now