February 27, 2021

61 2 0
                                    

GOODBYE FEAR

VOTD (Verse of the Day)

Take courage! It is I. Don't be afraid.

Mark 6:50

_._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._.

May phobia ka ba? Or kahit kinakatakutan man lang? Sa isang tao, hindi mo maikakaila na may takot siya sa isang bagay o pangyayari. Kahit gaano pa katapang ang isang tao, may kinakatakutan pa din iyan.

Whatever may your fear is, isa lang ang nagiging outcome ng mararamdaman natin. Takot. Matatakot tayo. And isa lang din ang way para malagpasan natin ang takot na ito. By overcoming this fear.

Madaling sabihin, mahirap gawin. Bakit? Kasi nga takot ka doon sa bagay o pangyayari na 'yon. Facing our fears is indeed difficult. To make it easier, call on the Lord.

Naalala niyo pa ba ang isang pangyayari sa Bible na natatakot ang mga disipulo ni Hesus dahil nasa bangka sila at may malakas na bagyo? Takot na takot sila dahil sa mga posibleng mangyari. Habang takot na takot sila, kalmadong natatakot pa din si Jesus. Then, ginising nila Siya. Pagkagising Niya, tinanong Niya kung bakit sila natatakot kung nasa tabi naman nila si Jesus? At sa isang iglap lamang, sa isang utos lamang sa karagatan at hangin, naging kalmado ang lahat.

In certain situations, minsan gano'n din tayo. Natatakot kahit nandiyan na si Lord sa tabi natin. If we cling on the Lord, lahat ng takot mo ay yuyuko sa presensya Niya. Sa isang utos lang Niya, tumigil ang lahat. At sa isang utos Niya lang, mawawala sa harapan mo lahat ng kinakatakutan mo. 


God bless!


2021 Daily ReflectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon