February 25, 2021

67 2 0
                                    

THE ROCK

VOTD (Verse of the Day)

The Lord will be the sure foundation for your times, a rich store of salvation and wisdom and knowledge; the fear of the Lord is the key to this treasure.

Isaiah 33:6

_._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._.

Bato. Matigas ba ang bato? Tss AHAHAHAHA anong klaseng tanong ba 'yan self. Pero, seryoso ako, matibay ba at matigas ba ang bato?

Sa paggawa ng bahay, kailangan ng matibay na pundasyon. Tulad na lang ng bato o semento. Hindi pwedeng gumawa ng bahay sa buhanginan mismo dahil maari itong lumubog. Imposible namang tumagal ang isang bahay sa mga maninipis na kahoy.The point is you need something na matibay.

Now, let's compare our lives to these houses. Para maging matatag tayo, kailangan natin ng matibay na sandigan at pundasyon. And what exactly is that foundation? Si Lord. Walang iba. Siya lang.

Minsan hindi natin napapansin na kahit gusto nating gawing pundasyon ang Panginoon, nawawaglit sa ating isipan kung ano na ba ang sinasandalan natin. Hindi napapansin na pera, kaibigan, o mga bagay na hindi permanente ang nagagawa nating pundasyon sa ating mga buhay. Even ako, minsan hindi ko na napapansin na hindi na pala si Lord ang nagiging foundation ko. Which is quite sad.

We all want that firm foundation in order to live. Let us refocus ourselves in making the Lord our foundation.

God bless!


2021 Daily ReflectionWhere stories live. Discover now