March 02, 2021

59 2 0
                                    

DEEPER CONNECTION

VOTD (Verse of the Day)

Pray continually.

1 Thessalonians 5:17

_._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._.

Nakapagdasal ka na ba? Pagkagising mo or bago ka kumain?

Mas gusto ng Panginoon na magkaroon ng malalim at matibay na relasyon kesa sa isang relihiyon. Dahil hindi ka naman maililigtas ng relihiyon. Kundi ang relasyon mo sa Panginoon. And one of the ways para mapagpatibay mo pa ang relasyon mo sa Kanya ay ang communication. 

Nasabi ko na din ito sa mga previous devotions natin. If you want a deeper relationship and more strong communication, the answer is prayer. Alam mo bang pwede ka pa ding magdasal kahit naglalakad ka lang sa kalye? O kaya naman ay habang may ginagawa kang gawaing bahay? For example, kapag may kausap ka and hindi mo alam kung ano ang sasabihin mo, you can pray to the Lord ng kahit saglit lang then ask for His guidance on how to answer the question. Like "Lord, tulungan Niyo po ako kung paano ko'to sasagutin. Amen." Gano'n lang. 

Speaking to the Lord regularly will help you to know him better. At 'yon mismo ang kagustuhan ng Panginoon. Na makilala mo Siya. Always remember na ang deeper connections ay nagbubunga sa stronger relations. 

God bless!


2021 Daily ReflectionWhere stories live. Discover now