February 28, 2021

62 2 0
                                    

THAT ONE LOST SHEEP

VOTD (Verse of the Day)

Rejoice with me; I have found my lost sheep.

Luke 15:6

_._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._.

Naligaw ka na ba? Ako? Naligaw na din. Anyways, kapag ikaw naligaw sa isang lugar na first time mo pa lang mapuntahan at ang lawak-lawak, anong gagawin mo?

Obviously ay hihingi ng tulong sa mga taong nasa paligid mo. Mas maganda kung may mga guards sa paligid dahil gamay sila panigurado sa lugar na 'yon. But let's talk about spiritual lostness. The state of being lost in spiritual aspect.

Masasabi kong marming tao ang madalas na naliligaw sa landas that God intended for them. Siguro kaya sila naliligaw dahil sa mga permanenteng bagay like pera, fame, power and other things. But isa lang ang masasabi ko kapag naligaw ka or ako or kung sino man sa mundo, hahanapin ka ulit ng Panginoon. And sure ako doon.

Kahit saan mang lupalop ka pumunta or napunta, hahanapin ka ng Panginoon. Each of His creations are important to Him. Me, personally, as a poet or artist, masasabi kong mahalaga sa akin ang bawat tulang nagagawa ko o isang painting. Dati at hanggang ngayon, naiisip ko na kapag may dumekwat man ng bag go, ibalik nila ang notebook ko na puno ng tulang nagawa ko. And yes, kahit saan man ako pumunta, dala-dala ko ang notebook na iyon.

Mahal ka ng Panginoon kaya kahit nasaan ka, hahanapin ka Niya. Kahit anong klaseng tago pa ang gawin mo, hahanapin ka Niya at mahahanap ka Niya.

God bless!

2021 Daily ReflectionWhere stories live. Discover now