February 26, 2021

65 2 0
                                    

THE REAL SEASON OF GIVING

VOTD (Verse of the Day)

Bring the whole tithe into the storehouse, that there may be food in my house.

Malachi 3:10

_._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._._.

Sa isip ng ibang tao, ang "Season of Giving" ay Christmas. Pero hindi lang naman sa Pasko pwedeng magbigay. Tulad ngayon. Send Wattpad books na lang. Jok!

Naniniwala ka ba sa kasabihang "Giving is better than receiving"? Kung ako ang tatanungin, tama naman. Mas masarap sa feeling na ikaw ang magbibigay. Kasi para sa akin, ang ngiti ng isang tao at ang sayang nararammdaman nito ay walang kapantay. Maging masaya ka lang, okay na ako do'n. Ayieeeee! AHAHAHAHAH!

Okay, let's focus on the "Giving" topic. Naranasan mo na bang feeling mo, at nasa isip mo na gusto mong magbigay kaso parang ayaw mo din kasi iniisip mo ang sarili mo? Okay lang 'yan. Natural lang 'yan. Nagiging pabaya ka naman sa sarili mo kung bigay ka nang bigay at wala ng natira sa'yo. But minsan sinusubok tayo ng Panginoon kung makakapagbigay ba tayo sa ibang tao o sa Kanya mismo. Tulad na lang sa mga tithes. Tithes, sa tagalog ay 'yung ikapu ng kinita mo. But since halos teens siguro ang nagbabasa nito at wala pang income, let's focus on giving to others.

Sinusubok tayo ng Panginoon kung makakapagbigay tayo sa ibang tao. For example, pagkain, tulong, oras at iba pa. Sabi nga nila, "Paano madadagdagan ang blessings sa kamay mo kung punong puno naman ito?" Ibig sabihin, kung hindi ka magbibigay, paano madadagdagan o paano ka bibigyan ulit ng blessing? We must not be greedy. God gave all our needs. He is a gracious Giver. Magbigay ka lang, don't hesitate. Lalo na kapag si Lord na mismo ang kumausap sa'yo na magbigay ka. At makakaramdam ka ng kakaibang ligaya.

God bless!


2021 Daily ReflectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon