~39~

96 14 2
                                    

CHAPTER THIRTY-NINE

Where are you now?


_______________________

RAILEY CADE'S POV



____________________

June 10, 2020

Wednesday, 6:20 PM

Sila Tita Megan at Tita Clara na lang ang natira sa bahay at dahil nakatanggap kami ng tawag sa mga pulis, nagpresinta silang dalawa na maiwan. Kaya ngayon ay nandito na kami sa sinabing lugar ng mga pulis. Walang nagsasalita samin nila Daddy hanggang sa makarating kami dito pero nauna silang bumaba sakin. Nanginginig akong bumaba ng kotse nang makita ko ang mga police tape na nakapaikot sa isa masukal na parte ng bayan namin. Nagbuntong hininga muna ko bago ako lumapit sa kanila.

"Railey bilis" utos sakin ni Daddy. Katabi na nila ni Ate ang mga pulis, nilapit sa kanila ang isang malaking bag na ngayon ay nakalagay sa stretcher. 

Hindi 'to si Mommy... Hindi 'to si Mommy... Hindi 'to si Mommy...

Paulit ulit na mga salita sa utak ko habang dahan-dahang binubuksan ng isa sa mga pulis ang bag. Pagkabukas nila ay bumungad samin ang bangkay ng isang babae na halos wala ng mukha sa sobrang dami ng sugat na maaaring mula sa pangbubugbog. Nang buksan nila ang buong bag ay mas nakita namin ang buong katawan niya. 

"Walang tattoo ang asawa ko..." nakahinga ako ng mabuti at nabawasan ang pagkanginig ng mga tuhod ko ng marinig ko ang sinabi ni Daddy. Tama, walang tattoo si Mommy hita. Wala ring nail polish yung paa at kamay niya. Ngayon na mas nakikita ko na ng maigi yung bangkay, mas matangkad ang nanay ko kaysa sa babae na ito.

May kinausap lang saglit ang hepe ng pulis saka niya ulit kami binalikan.

"Pasensya na ho, Mr. Valderrama. Hindi po kasi maidentify ang mukha ng bangkay kaya ho dinala ko kayo dito dahil—"

"Ayos lang, just keep me updated"

"Nahanap na ho namin yung Van, sa katabing bayan natin. Wala na pong laman yung Van bukod sa susi ng mismong Van at wallet ni Mrs. Valderrama" nagpakita siya samin ng picture, ngunit ang napunta sakin ay ang picture ng upuan ng sasakyan kung saan may bakas ng kaunti dugo roon. Wala namang sugat si Mommy nung 

"Na identify na rin po yung dugo dyan na kay Mrs. Valderrama. Sa ngayon po ay mga naghahanap na rin kay Mrs. Valderrama doon, tatawag na lang po ulit ako kapag may balita na, pasensya na po ulit kayo" naglakad agad ako pabalik ng kotse. Nang makasakay na ko sa loob ay dali-dali na ring sumakay si Daddy at Ate kasunod ko. Pare-parehas kaming napatulala sa bangkay na pinapasok ngayon sa loob ng ambulansya.

Nilingon kami ni Daddy saka siya nagsalita "I want you both to be as tough as you possibly be because what happened today can happen again until we find your mother—" 

"This is precisely what I'm afraid of, as long as Mom is missing, we're gonna have to look for any unidentified dead body of every woman they found, and that's just gonna keep on happening until we finally found my mom. I hate this..." Tears started pouring out of my eyes from my eyes. 

LOVER series 1 || TREACHEROUSWhere stories live. Discover now