~19~

356 37 0
                                    

CHAPTER NINETEEN

"Why are you acting like this?"

____________________________
YVYRHON FLYNN'S POV

______________________
9:47 AM

Nandito kami sa pinakamalapit na SM samin, Baliuag. Dito nila napagkasunsuang bumuli. Napagusapan nilang maghihiwalay kami sa apat dahil napaghiawalay na rin nila yung mga listahan ng bibilin para mapabilis kami.

"Edzel, Luke, Khristine,  sakin kayo sumama." hinila niya yung tatlo papalapit sa kanya. "Railey, kayong apat na lang magsama." nagkatitigan kaming apat. Ako, si Railey, si Yanna, si Bea ,at Si Jerome.

Nandito kami sa may Hypermarket. Pinakuha kami ni Railey ng dalawang Cart. Na kay Railey yung isang listahan, kaya di ko alam bibilin. Kami lang ni Jerome nagtutulak.

...

Marami rami ng laman yung cart namin. Tumawag si Isla kanina kay Yanna, mukhang na sa counter na sila. Sabi niya tumawag na lang daw kami pagkatapos namin para makapila na kami.

"Tulungan na kita." sabay naming alok ni Jerome kay Railey.

"Ako na lang salamat bro." pagngunguna niya.

"Hindi ako na lang nakakahiya naman sayo." pigil ko sa kanya.

"Ayos lang ako na lang." pagpipilit niya pa rin.

"Okay na, I got it." napapailing na pigil samin ni Railey sabay lagay ng dala niya sa cart. "Itulak niyo na lang 'yan." nauna siyang maglakad samin at sinundan naman siay gad ni Jerome. Bakit pa kasi sumama pa 'to?

...

Pagkatapos mabayaran lahat ng pinamili namin sa Hypermarket ay nag-ikot naman kami para bilin lahat ng kailangan sa listahan. ngayon ay tinitignaan nila kung kunpletona lahat at kung tama ba lahat ng mga nabili namin.

"Excited na ko bukas!" masayang sambit ni Yanna.

"Can I come?" si Jerome. 

Tss, si Daryl nga hindi pinasama eh, outing namin 'tong magkakaklase. 

Nag-crossed arm si Railey at tinaasan siya ng kilay. "I'm just kidding! May lakad din ako bukas haha." tawa pa nito.

"Kumpleto na ba lahat? Na-check na lahat ng nasa listahan?" tanong ni Isla.

"Yes, lahat nung nasa listahan natin nabili na." sagot naman ni Railey. "Lagay na muna natin 'to sa Van tapos kain tayo, medyo nagugutom na ko." yaya pa niya samin.

"Sa Mcdo na lang tayo kumain, 500 lang baon ko." si Edzel. Maaga pa rin kasi 1:07 p.m. pa lang. Hindi pa kami nagtatanghalian ngayon pa lang. 

"Kahit saan niyo gusto." agad na kaming bumalik papuntang Van para ilagay na yung napamili namin dun. Ako, si Edzel, si Luke, at si Jerome ang may dala ng mga cart. Nakatatlong cart kami lahat-lahat.

"Kuya nakakain na ho ba kayo?" tanong ni Railey sa nagmaneho para samin papunta dito. Tauhan ata nila si Kuya sa Hacienda.

"Oo kani-kanina lang." nakangiting sagot ni Kuya Driver.

"Kakain lang kami Kuya, after non may bibilin lang kami, and then uuwi na rin tayo. Pasensya na sa paghihintay." paalam ni Railey kay Kuya Driver.

LOVER series 1 || TREACHEROUSWhere stories live. Discover now