~22~

353 35 0
                                    

CHAPTER TWENTY-TWO

The Heir...

_______________________
2:32 PM

Nakarating na sa bahay si Railey mula sa kanyang kamping at dumiretso siya sa sala sa ikalawang palapag ng kanilang bahay muna siya nagpapahinga. Mag isa lamang siya ngayon sapagkat wala ang kanyang mga magulang at kanyang nakakatandang kapatid. Nanonood ito ng palabas ng akyatin siya at lapitan ng isa sa kanilang katulong na si Manang Lori.

"Hijo, e may nagpapabigay sa Daddy mo nito. Sabi ko wala pa ang Daddy mo. Kahit sino na lang daw na nasa bahay. Tinanong ko kung pwede bang buksan na, pwede naman daw." inabot niya kay Railey ang isang maliit na kahon. Tinignan niya kung kanino ito nanggaling ngunit walang pangalan na nakalagay dito.

"Sige po, salamat." nakangiting pasasalamat niya kay Manang Lori. Pagkababa ng kanilang katulong ay saka pa lamang niya binuksan ang kahon. Dahil sa ang nakalagay naman kung kanino ito binigay, sa "Valderramas", ay hindi na siya nag dalawang isip pang buksan.

Pagkabukas niya ng kahon ay may limang sulat at dalawang pang maliliit na kahon.

"Kanino kaya galing 'to?" bigkas pa niya sa sarili. Kinuha niya ang unang sulat na nakapaibabaw sa loob ng kahon. Binuksan niya ito at sinumulang basahin.

April 3, 1999

"This is a year before Ate was born..." bulong niya pa sa sarili. "16 pa lang si Daddy ng panahon na 'to."

"Mahal ko, patawad sa nagawa ko sayo. Nagkamali ako, mas mahal mo nga ako kaysa sa kanya. Hindi ko na alam kung makakarating pa sayo 'tong sulat ko. Pinigalan ako ng Papa mong magkaroon pa ng koneksyon sayo. Magiging ama kana pala, Mahal. Nakakalungkot lang at hindi ako ang magiging ina ng unang magiging anak mo. Mahal pa rin kita 'wag na 'wag mong kakalimutan yon. Kailangan ko ng harapin ang bagong buhay ko, ng wala kana sa piling ko. Ito na ang huling sulat na ipapadala ko sayo. Halos 4 buwan na rin Hindi tayo nagkikita. Hindi magbabago ang nararamdaman ko sayo. Masaya kong nakilala kita. Hinding hindi ko ikakailang naging nobyo ko ang isang Roderick Carlos P. Valderrama..."

Napakunot ang noo niya ng mabasa niya kung para kanino ang sulat. Binukasan niya agad ang dalawang kahon na maliit at laman ng kahon na ito ay mga kwintas at pulseras. Kinuha niya ang natitira pang apat na sulat at binasa ang mga ito.

Sa pangatlong sulat ay may dalawang letra siyang nakita na maaaring sagot kung kanino nanggaling ang kahon na iyon.

"E & R"

Naisip niya na kung ang letrang "R" ay ang kanyang ama, maaaring ang letrang "E" ay ang nagpadala ng kahon na ito.

Sinubukan niya pang basahin ang natitirang mga sulat.

...

Nabibigla ito sa mga nababasa niya sa mga sulat, lalo pa't alam niya na ang mga sulat nito ay ginawa ng Hanggang sa umabot na siya sa huling sulat.

"December 16, 1999." ang taon na nakasaad sa sulat.

"Mahal ko, masaya ko't nakita kita ulit. Ngunit ayon na talaga na ang huli nating pagkikita. Mangingibang bansa na ako bago magpasko. Doon ko na ipagpapatuloy ang pagaaral ko at dun na rin ako maninirahan at mananatili hanggang sa tumanda na ko. Masaya ko sa isang gabing pinagsaluhan natin ang isa't isa. Hinding hindi ko makakalimutan ang gabing iyon Mahal ko. Hindi inakalang kagabi ay ang magiging isa sa pinaka masayang gabi sa buhay ko. Mag iingat ka Mahal, hanggang sa muli nating pagkikita..."

LOVER series 1 || TREACHEROUSWhere stories live. Discover now