~14~

367 33 2
                                    

●CHAPTER FOURTEEN●

"Try harder next time..."

________________________
RAILEY CADE'S POV

_____________________
2:24 PM
Marketing subject...

Kanina nagkausap na sila Akki at yung ex niya. Nauna na kasi akong umakyat sa kanila, alangan namang pakinggan ko pa pag uusap nila no?

Hindi muna kami pinauwi agad, may mga sasabihin samin si Isla about sa mangyayari sa Lunes.

"May mga ipapaliwanag lang ako sa inyo ngayon, wala munang magtatanong, I listed all of your possible questions and here are my answers to those. First, for performers, emcee and specially models siguraduhin niyong may mga isusuot na kayo dahil by tomorrow dadalin niyo na yung isusuot niyo dito tapos lalagyan na lang ng pangalan yung hanger, using folder that will be provided by the Officers. By friday dapat dala na. Second, yung mga pinapadala na gamit na gagamitin hanggang bukas na lang pwede dalin. Tatlo na lang ata kayo o apat. Yes po, opo hanggang bukas lang dahil nagkukumpleto na tayo, hindi yung kung kailan lunes na mga nakakalimutan ng dadalhin. Hanggang bukas na lang po yung gamit at saka mga damit for models. Third, yung mga isusuot po ng staff ay iisa. Yung pinatatak natin na shirt na Never out of ZTYLE, maong pants, and rubber shoes. Yung mga sinusulat sa board ni Dexie 'yan yung mga dadalhin. Extra information, nasunod yung gusto natin na long stage yung pang runway talaga. Basta kahoy yun na galing kila Sean. Para siyang lalagyan ng kung ano, pero pag pinagdugtong dugtong makakabuo ng stage." pagpapaliwanag ni Isla.

"Tapos hindi na tayo sa gym nun, sa rooftop na tayo ng SHS building. Which is better, I can imagine now kung anong magiging itsura ng stage natin. Umulan umaraw safe tayo dahil may bubong naman. Wala lang masyadong maharot baka malaglag kayo. Another info, nabawasan yung audience natin. 5 students na lang for each strand bali 60 students lahat lahat pero yung hihiramin na upuan is 65+ dahil may mga floating teachers na manonood, this friday ko pa lang mako-confirm kung sinu-sinong mga teachers 'yon. Yung mga bibigyan ng Flyers yun lang yung pupunta dahil parang ticket na rin nila yun para makapanood satin." dugtong pa niya.

"Ulitin ko ulit yung mga pwede sa sabado pumunta po kila Luke tatapusin yung ilang props na dadalin din dito sa school. Ngayon ko 'to sinabi dahil bukas mamimigay na tayo ng flyers baka kasi mawala nila kung ngayon agad sa lunes pa naman yung event. Isa lang po ang hinihiling ko simula pa nung sinimulan 'to mayroon naman na kaya lang mas kailangan 'to ngayon. Cooperation lang po, unity. Kahit ngayon lang po. Yun lang pwede na kayong umuwi, huwag kakalimutan lahat ng sinabi ko ngayon. Yung mga nakasulat sa board na dadalhin at kung sino yung magdadala pakitandaan. Babush sa inyo, ingat sa pag-uwi!" dugtong na paliwanag pa niya.

Finally makakauwi na rin. Kinuha ko na yung bag ko sa upuan ko at lumabas na agad ng room.

"Uy Railey." si Daryl. Maaga ang uwian nila ngayon ang alam ko. Pag gantong nauuna siyang umuwi at kami naman late, hinihintay niya si Yanna.

"Saan si Yanna?" tanong niya sakin. Nandito ako sa may malapit sa hagdan pababang 1st floor at paakyat ng 3rd floor. Dito ko sila hinihintay madalas. Dati, lagi kami ni Tasya nauunang lumabas, siya lagi kasama ko dito sa labas. Pero dahil nga sa pagbabagong napapansin ko sa kanya, dumidistansya na ko. Siya rin naman gumagawa ng paraan para layuan ko siya. Sa totoo lang ayokong dumating sa puntong mainis na ko sa presensya niya.

"Nasa loob pa, cleaners sila eh." sagot ko naman.

"Salamat." sambit niya at saka pumunta sa kabilang pinto.

LOVER series 1 || TREACHEROUSWhere stories live. Discover now