~24~

333 37 0
                                    

CHAPTER TWENTY-FOUR

Should I confess my feelings?

_________________________
YVYRHON FLYNN'S POV

____________________
April 18, 2020
Saturday, 8:42AM
2-3 weeks ago since our section outing...

"Ano na Yvyrhon? Tara na!" bulyaw sakin ni Daryl. Gumagayak ako ngayon sa kwarto ko dahil pupunta kami kanila Railey, hindi ako sigurado kung sa mismong bahay nila o isa na naman sa mga property nila. Malapit lang daw 'yon kaya mag momotor lang kami ni Daryl. Pinayagan naman ako agad nung nalaman nila kung purpose nung gagawin namin. Kasama namin si Edzel, pero kay Daryl 'yon aangkas, malikot kasi kasabay loko na 'yon.

"Teka lang, heto na." kinuha lang yung phone ko at wallet ko saka na ko lumabas ng kwarto.

"Ayos ah, bihis na bihis. Tara na nasa baba na si Edzel" pangaasar pa niya bago kami bumaba ng bahay.

Halos tatlong linggo na rin ang nakalipas nung mag camping kami. Weird pero naalala ko pa rin mga napag-usapan namin ni Railey. Weird ba 'yon? Ang saya ko lang kasi nagkaroon kami ng ganong pag-uusap

Nitong mga nakaraang araw, hindi ko alam kung bakit siya yung naiisip ko. Lalo na nung hindi siya masyadong nag o-online nung nakaraan. Nag-alala ako, hindi ko alam kung bakit. Bilang kaibigan siguro? Ayon naman kasi napagkasunduan namin. Halos isang linggong wala akong balita sa kanya, nahihiya naman akong magtanong kila Yanna, wala pang ibang nakakaalam ng nararamdaman ko kay Railey kundi si Edzel at Daryl pa lang. Matapos ng ilang linggong nakalipas, naamin ko na sa sarili ko na may nararamdaman nga ako sa kanya. Hindi ko lang sigurado kung ano 'to, basta ang alam ko meron.

Naglakas ako ng loob na mag message sa kanya, hindi naman siya nag-reply. Sa totoo lang medyo umasa ko na makasama siya nung weekends pero di ko na rin napaalala sa kanya kasi nga nahihiya ako. Nung nag swimming lang kami saka ko nalaman na nasa labas pala siya ng bansa. Noon lang din kami nagkausap. 

Pagkalipas ng ilang linggo ngayon ko lang siya makikita, at sa totoo lang... medyo excited ako. 

"Achuchu, excited na si Ron pre haha!" pangaasar ni Edzel.

"Kalma ka Pre ah baka sungaban mo agad si Railey hahaha!" gatong pa ni Daryl.

"Siraulo kayo haha! Tara na nga." dadaanan na lang namin si Edzel sa kanila. Buti nga suportado nila ko, kahit na madalas nila ko inaasar. Sabi sakin ni Darl randam na raw niya na may babaluktot samin, ang akala niya nga lang daw si Edzel yon.

...

Nandito na kami ngayon sa rest house raw nila Railey. Nandito na sila Yanna, si Maiyeeh saka si Hyacinth. Wala pa si Railey pero sabi nila papunta na raw. Ang ganda ng bahay na 'to, sabi nila care giver lang nandito. Medyo malawak rin yung bahay tapos may pool sa bakuran, at yung tanawin sa harap ng pool sobrang ganda.

Paguusapan namin ngayon yung mga bebenta namin sa Online na mga bake products. Bukas kami mamimili, tapos sa lunes kami magsisimulang mga bake at magbenta. Sana maging successful kasi yung kikitain namin dito maipangtutulong namin sa Orphanage.

"Hindi naman ba kayo busy next week?" tanong ni Hyacinth samin.

"Hindi naman, nagpaalam na rin naman kami sa mga magulang namin, napaliwanag na namin sa kanila." sagot ni Daryl. Wala naman kaming lakad, baka first week pa kami ng May magbakasyon.

"Hays salamat at dumating kana." napalingon kami lahat sa may pintuan, nandito na si Railey.

"Sobrang late ko na naman ba? Grabe kayo makatingin." agad siyang lumapit samin. "Magsimula na tayo." parang may something sa kanya, parang may bago...

LOVER series 1 || TREACHEROUSWhere stories live. Discover now