~17~

352 34 5
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

I like him, bless my soul, I ain't gonna tell him I think he knows...

_______________________
RAILEY CADE'S POV

___________________
11:38 AM

Tapos na kami sa exam. Maaga kaming natapos, 10:30 AM pa lang ata tapos na kami lahat. Yung Subject namin ngayon ay Piling Larang, Reading and Writing, Practical Research at Statistics. Medyo nakakahinga hinga na kami ng maluwag dahil Final Defense na lang ang aasikasuhin at Ilang requirements para sa clearance. Naiintindihan ko naman yung Research namin. Mag-re-review pa rin kaming magkakagrupo para lahat kami may isasagot kapag tinanong kami.

Nasa hallway na kami ng ground floor. Sabay sabay ulit kami ngayon. Mayroon kaming gala ngayon, nagdadalawang isip pa ko kung sasama ko. Sasama yata nila si Daryl. Third wheel na naman eksena ko doon, kasama nila mga Jowa nila.

"Oh ano na naman kailangan niyo?" nakaharang na naman si Selene at mga kaibigan niya sa dinadaanan namin.

"Wag kayong makisali, hindi kayo kailangan ko." pag-irap pa niya sa mga kasama ko.

"Talagang nagsumbong ka pa kay Ron para pagmukhain akong masama 'no?" gigil niyang sabi sakin. Napa crossed-arms na lang ako sa kanya.

"Hindi ako nagsumbong kay Ron. Saka hindi ko na kailangang pagmukhain kang masama, kayang kaya mo na yon sa sarili mo." sabi ko.

"'Wag mo kong gawing tanga!" sigaw niya pa sakin.

"Diba mayaman na mayaman ka? Bakit hindi ka na lang sa mas mamahaling school nag-aral?" unti unti siyang lumalapit sakin. "Baka naman nagyayaman-yamanan ka lang?" usisa niya pa sakin.

"Ano namang pake mo?" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Siguro naghirap na kayo 'no? Sugar daddy things? Hindi ba kayo pinamanahan ng tatay mo?" napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Sorry I can't help it.

"Okay, so the issue now wasn't just about Ron anymore, am I right?" tanong ko sa kanya. "It's about my life now?"

"Si Ron ang issue dito dahil sa kalandian mong bakla ka. Hindi na talaga ko papansinin ni Ron." really huh? This bitch is really pathetic.

"I wish you could see how dumb you look chasing someone who doesn't even like being around you. You don't need Ron, girl, you need a therapist or maybe a psychiatrist to check that possessive and obsessive thoughts of yours." sabi ko sa kanya. 

Sabay lakad palayo. Nakakailang hakbang pa lang ako ng habluti niya ang buhok ko. Aahh!

"Hayup kang bakla ka! Mangaagaw ka! Malandi ka! Salot ka sa lipunang hayup ka!" sigaw niya pa habang sinasabunutan ako.

I'm shocked when a man pulled me away from her, I look at him before I look at Selene. Hinila ng kaibigan niya si Selene mula pagkakasabunot sakin. He's wearing a sash saying "SAC Member".

"Ayos ka lang girl?" tanong niya sakin. Oh gosh, I hope he's really gay.

"No I'm not." tugon sabay ayos sa uniform ko at ng buhok ko. "Thanks though." sambit ko. 

"Leche ka halika dito kakalbuhin kita!" sigaw ni Selene hanggang sa maagaw na niya ang pansin ng ilang estudyante sa hallway ng first floor.

"Selene!" inalis niya ang kamay ni Selene sa buhok ko at tinulak ito palayo sakin. "Tama na! Ano ka ba?"

LOVER series 1 || TREACHEROUSWhere stories live. Discover now