~21~

354 35 3
                                    

CHAPTER TWENTY ONE

_________________________
RAILEY CADE'S POV

_________________________
April 02, 2020
Thursday, 5:48 am
HIKING & CAMPING DAY 02...

I've already washed my face and brushed my teeth. Ron was probably glad that I brought a comforter because he took up the entire space and even invaded my personal space. Yes, you can say he is a hugger because he was hugging me when I woke up. I didn't bother to wake him up when I left the tent because he was still asleep; perhaps later. The officers were the first to get up, and they are presently getting ready for the next activity after cleaning. 

"Girl ang lamig kagabi no?" si Yanna, sinamahan ko siyang mag toothbrush at mag hilamos. "Alam mo nagugutom na agad ako."

"Same."

"Kailangan kasi sabay sabay pa imbyerna." sabi niya pa habang patuloy sa pag hilamos. 

"Well, I think it will be a little rude if we eat first." ilang saglit pa ay bumalik na agad kami sa camping site. Niyaya kong mamulot si Yanna ng pang gatong namin mamaya, syempre para na rin sa grupo nila.

...

Pagkatapos kong magparikit ng apoy ay nagsain na agad ako. Dahil gising na rin ang mga kagrupo nagpatulong ako sa kanila, si Heart na lang raw papatuloy ng pagsaing, si Elisse naman tutulungan ako sa pagluluto ng uulamin namin. Pumunta muna ko sa tent namin para gisingin na si Ron dahil siya na lang din yung wala samin.

"Ron? Gising na." tinapik ko siya ng mahina.

"Ron?" ngayon naman ay niyugyog ko na siya, ayaw pa rin niya magisi. Paano ko ba siya gigisingin?

"Ron!" lumakas na ang boses ko at pagyugyog ko sa kanya sa paniniguradong magigising talaga siya. Pagkadilat niya ay nakatingin agad siya sa mukha ko. It lasted for a second before he smiles to me. Tulog mantika pala siya? Hahaha.

"Gising na, ahm... nagluluto na kami ng pang umagahan." pabulong kong sambit ko sa kanya.

"Sorry kanina mo pa ba ko ginigising?" tanong niya sakin habang nagkukusot siya ng mata.

"Hindi naman haha, tara na." niyaya ko na siya at lumabas na rin ako sa tent.

"Sunod ako sa inyo, maghihilamos saka magsisipilyo lang ako." nakangiti lang akong tumango sa kanya.

Pagkabalik ko sa kakainan namin ay luto na ang ulam namin at nakahanda lahat ng kakainin, bacon, egg, loaf bread, at chocolate drink. Lahat kami magkakamukha lang ng ulam. Sabi ni Isla kanina pagkatapos kumain sasabihin niya na next activity namin.

Ilang saglit pa ay nakabalik na rin si Ron at nagpresinta na siya na lang ang maghain. Bago siya maghain lahat ng kasama namin ay nagising na.


________________
8:02 AM...

"Ngayon guys we don't have games activity, winners and losers. More on exploration tayo ngayon, dahil bukas sa Mt. Manalmon at Mt. Gola na tayo. Susubukan natin lahat ng mga activities na meron sila dito. Papasok tayo sa mga kuweba, tatawid sa lubid and maliligo sa mga bukal, waterfalls at ilog dito. Syempre kasama natin sa pag-iikot si Kuya Mario. I'll give you 5 minutes para kunin lahat ng importanteng bagay sa bag ninyo. Now you may go." agad na kaming pumunta sa kanya kanya naming mga tent. 

Ang dadalhin ko lang yung small backpack ko, nandito na yung dalawa kong phone, polaroid ko, extra money, power banks, snacks that I bought yesterday, extra clothes, insect repellent and cologne. Syempre dala rin namin yung first aid kit namin, at sabi sakin ni Ron siya ang magbibitbit nun. 

LOVER series 1 || TREACHEROUSWhere stories live. Discover now