Prologue

47 4 0
                                    

I'm wearing my new shoes, my new uniform, and I'm with my new bag! It's pretty! Kinikilig nga ako kanina noong sinusuot ko 'to dahil galing 'to kay Tatay. It's a gifts coming from him. Binuksan ko nga agad at sinuot e. Hindi halatang excited!

Kuripot 'yon! Minsan lang niya ako bilhan ng bagong gamit kahit nga birthday ko ay wala akong regalo galing sa kaniya but I understand it naman, kaya tuwing binibilhan niya ako at binibigyan ng regalo ay hindi na bago 'yong kinikilig na reaksyon ko. Sweet kasi ng dating.

"Birthday Girl, anong handa?" iyan ang paulit ulit na tanong sa akin ng mga kaklase ko.

"You're not invited" pabirong sabi ko at umirap pa. "joke," bawi ko rin agad at tumawa.

"Feeling!"

"Joke lang naman, punta kayo! Magluluto si Tatay ng carbonara." masayang imporma ko at isa isa ko silang binigyan ng invitation letter na ako lang din ang gumawa gamit ang papel ko na ginunting gunting at kinulayan. Iwas gastos.

"Iyon lang handa mo?"

"Carbonara pa! Hindi ko type lasa no'n"

Napairap ako sa kaklase kong si Aaron dahil sa reklamo niya, "Maarte ka! Makikikain ka lang naman!" singhal ko rito.

"Kapag carbonara lang handa mo nagrereklamo ako kay Kapitan!" sigaw niya, nakataas pa ang kamay.

"Hindi, may spaghetti at pancit din! Basta marami punta na lang kayo!" natatawang saad ko. Marami akong handa, 'yon ang alam ko. Ang sabi rin ng Tatay ko, ang 7 birthday ng isang bata ay siyang pinakaespisyal sa lahat ng okasyon sa buhay niya bilang bata. Wala pa man ay nae-excite na ako!

Maganda ang araw na 'to! Matatapos din ng maganda!

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Bago sa akin ang pakiramdam na gusto ko ng matapos agad ang klase. Lagi kasi akong nakikinig sa klase at lagi akong nagrereklamo tuwing natatapos ang klase namin ng maaga. I love studying! Para sa akin maganda at madali lang kasi ang ginagawa naming mga nasa grade 2 class. Ang sabi nga ng guro ko ay ang bilis kong matuto. Well, totoo naman.

Sinabi kasi ng Tatay ko na mag aral akong mabuti. Maraming magagandang bagay ang itinuturo ng Tatay ko sa akin na nai-apply ko na sa akin.

Sumapit ang pinakahuling subject namin ngayong araw kaya naging aktibo ako sa klase.

Ang oras ay mabilis na lumipas at natapos ang klase. Hindi lang ako ang excited pati rin ang mga kaklase ko. Ang mga nakaaway ko nga noong nakaraan ay hinihintay na ako para sabay daw kaming umuwi. Mabuti na rin na maayos na ang pag aaway namin dahil ayaw ko ng may kaaway.

"Anong susuotin? Kailangan ba gwapong gwapo ako?" tanong ni Aaron habang naglalakad kami pauwi.

"Kahit anong ayos mo naman e hindi ka gwa-gwapo," pambabasag ko sa kaniya.

"Sige, ganiyan ka pala Darren a! Hindi na kita bati!" ngusong usal niya ay nagkibit balikat pa.

Binilatan ko lang siya at tuloy tuloy lang sa paglalakad. Hanggang sa wala na akong kasabay na naglalakad dahil huminto pa silang lahat sa kani-kanilang bahay para magpalit ng nababagay na damit para dumalo sa birthday party ko.

Malayo pa lang ako ay rinig na rinig ko na ang malakas na musika na nanggagaling sa bahay namin.

"Tatay!" nakangiting sigaw ko nang makita ko ang Tatay ko na nakatayo sa gilid ng kalsada. Hinihintay siguro ang pagdating ko galing eskwelahan.

Kumunot ang noo ko nang makita ko ang galit sa muka nito. Bakit galit ang Tatay ko? Lalapit na sana ako nang bigla siyang sumigaw kaya natigilan ako.

May kaaway siya...

When Fate PlayedWhere stories live. Discover now