Chapter 23

2 1 0
                                    

"Living the life on your fantasy, won't last long." basa ko sa printed t-shirt ng mga baklang inimbitihan ni Mama sa bahay para ayusan ako.

Dala na rin nila ang cocktail dress na kulay pula na siyang susuotin ko. Ito kasi ang theme ng event. Red for valentine. At itim naman na suit sa mga lalaki.

"Pikit ang mata, huwag bubuksan hangga't hindi ko sinasabi. Keri?" sabi ni Madam Mickey sa akin, 'yong make up artist. Tumango naman ako at pumikit.

Ramdam ko ang pagdampi ng kung ano sa muka ko. Nagtagal ng ilang minuto ang proseso niya.

"Look! Look at your daughter Auntie! Magandang dilag! Pwede na siyang ilaban bilang Miss Natividad!" rinig kung pangbobola ni Madam Mickey sa Mama ko.

"Mana sa akin." sabi naman ni Mama at tumawa. Napangiti na lang din ako. Hindi ko pa nakikita ang itsura ko dahil nakapikit pa rin ako pero alam ko na maganda na ako tignan dahil sa sinabi ni Mama.

"Ilang taon na ba siya? Kensi? Ang bata pa pero dalagang dalaga na!" rinig ko ring sabi ng isa, 'yong hair styler.

Hindi pa siya tapos na make-up-an ako.

Habang nasa ganoong posisyon ay napangiti ako. I already see myself with Silver, his hands on my waist, my hand snaked on his neck. Dancing and vibing the slow sweet music.

I planned that I will tell him that I have a feeling to him tonight. And I'll go with the flow.. I'll accept whatever happened after. Hindi ko kasi kayang itago. Tutal ang kapal naman na ng muka kong ayain siya bilang date ko, itotodo ko na. Bahala na.

At isa pa.. kasal na kami.

"You can open your eyes already, beautiful." sabi ni Madam Mickey na sinunod ko naman agad.

Nakipagtitigan ako sa repleka ko. Ang ganda ko.

"Ang ganda ng anak ko..." puri ni Mama habang puno ng paghangang nakatingin sa akin. Bakas din ang saya sa mga mata niya.

Alas syete ng gabi ay handa na ako. Isusuot ko na lang ang heels ko nang biglang may kumatok sa pinto ng bahay namin. Hindi na ako nag-abalang alamin kung sino 'yon dahil alam ko naman na si Aaron 'yon.

"Wow! Nagmuka kang tao!" pang aasar ni Aaron nang makapasok siya.

"Wow! Walang pinagbago! Mukang tae!" asar ko rin na siyang kinasimangot niya.

Inawat na kami agad ni Mama nang magsimula na kaming magkapikunan. Nagpaalam na rin ang mga nag-ayos sa akin. Inihatid sila ni Mama sa labas kaya kami ni Aaron ang naiwan sa loob. Akala ko aasarin niya ako pero nagkamali ako.

"Ang ganda mo." puri niya. Lumapit siya sa akin at siya na mismo ang nagsuot ng heels ko. "sayang nga lang at hindi ikaw ang babaeng makakasama ko ngayong gabi..." dagdag niya.

Nakangiting tumayo siya at inalalayan akong tumayo.

"Ganda mo." ulit na naman niya.

"Gwapo mo." papuri ko rin.

"Ang ganda at gwapo niyo." singit ni Mama sa usapan at hinarap kaming dalawa. "at ano 'yong sinasabi ni Aaron na hindi ikaw ang makakasama niya ngayon? Hindi ba at ang usapan niyong dalawa ay kayo ang magkadate kapag prom na?" intrega nito sa akin.

"Ma, kasi-"

"Inaya kasi niya 'yong crush niya." Aaron cut my words with his.

"Ano? Crush?" takang tanong ni Mama. Palihim na siniko ko naman si Aaron. Ayokong sabihin kay Mama ang ginawa ko. Nakakahiya.

"Ay! Inaya kasi siya ng crush niya..." bawi niya sa sinabi.

"Sino naman?" Mama teased.

"Si Silver po." sagot ko na dahil alam ko na uunahan na naman ako ni Aaron sa pagsagot.

When Fate PlayedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz