Chapter 05

9 1 0
                                    

Nagtatakang nilingon ako ni Aaron. “anong nangyari do’n? Akala ko ba ihahatid tayo?” tanong niya.

Hindi ko siya sinagot at nakatingin lang ako sa papalayong bulto ng lalaki.

’Yon ang huling araw na nakasama namin siya. Hindi na siya nagpakita after that incident. Aaron and I were both clueless. Hindi namin alam kung may nasabi ba kami? May nagawa ba kami? Hindi namin alam kung bakit matapos ang araw na ’yon at hindi na siya nagparamdam.

Sa akin naiintindihan ko pa. Sino ba naman ako? 'Di ba? I was a stranger he'd met! Pero kay maging Aaron na kaibigan niya hindi siya nagparamdam? That was a questionable!

Natapos na ang undas break lahat lahat ay hindi talaga siya nagparamdam.

I was chatting with Aaron and I see Silver's active. I always tempted to chat him, ask him but I always end up not doing it. What would I say? Ask him what? Kung bakit biglang hindi na siya sumabay sa amin?

E, ano naman sa akin kung biglang hindi? ’Di ba?

“Nakakainis.” usal ko. Hindi ko naman dapat naramdaman ’to pero matapos niya sabihin na interesado siya sa akin.. na type niya ako e hindi na lang siya nagparamdam bigla hindi ko mapigilang malungkot at... madismaya.

Nagbigay motibo tapos naging multo.

Break time. Hindi na ako sumama kay Aaron sa baba para lang bumili ng snack. I’m too lazy.

I lick my lips when I feel it’s dry. Inayos ko rin ang buhok ko. I apply a powder in my face and lip gloss in my lip. Pakiramdam ko kasi ang hagard ko.

Napatayo ako ng makakita ako ng pamilyar na pigura pero napaupo rin nang marealize ko na malabong narito siya.

I mentally scolded myself.

Ganito ako lagi. Tuwing may nakikita akong kasing tangkad ni Daryl at napagkakamalan kong siya ’yon. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Parang miss ko na siya.

It can’t be!

Napabuntong hininga ako. Ano bang ginawa ng lalaking ’yon sa akin? Bakit lagi siyang nasa isip ko? Bakit ba kasi biglang hindi siya nagpakita? E, bakit naman ako may paki kung hindi?

I cursed out of frustration.

Tumayo ako kinuha ang phone ko at wallet ko. Kailangan kong lumabas! Mababaliw ako rito kaiisip.

Pero hindi pa man ako nakakalayo sa pinto ng classroom namin ay may humarang sa harap ko. Isa ’to sa tropa naming taga ibang section.

“Oy Prince! Anong meron? Bakit ka narito?” nakangiting bati ko. Nawala ang ngiti ko at nagtataka siyang tinignan nang mapansing kabado siya.

“Uh... Darren,” banggit niya sa pangalan ko at may inilahad siyang tatlong piraso ng bulalak sa harap ko. Nakita ko pa na nanginginig ang kamay niya.

Nagsihiyawan lahat ng nakakita. Maging ang teacher na napadaan lang ay napangiti pa.

“Ano ’yan?” I asked the obvious.

“Rosas para sayo,” tinignan ko lang ang rosas na nakalahad sa harap ko.

“Prince...” alanganing tinignan ko siya.

“Gusto kita Darren. Gustong gusto kita. Gusto na kita noon pa pero ngayon lang ako nagkalakas loob na sabihin sayo.” kasunod ng pag amin niya ang hiyawan ng lahat.

“A-ano?... T-teka.. nababaliw ka na ba?” sabi ko habang unti unting umaatras sa kaniya.

“Hoy! Anong nangyayari? Ano ’yan!?” ang maangas na boses ni Aaron ang nagpatigil sa sigawan. Lumapit siya sa gawi ko at hinila. Itinago niya ako sa likod niya at hinarap ang lalaki.

When Fate PlayedUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum